Kiray Celis, pinalagan ang paggamit sa kanyang picture ng isang resto

Kiray Celis, pinalagan ang paggamit sa kanyang picture ng isang resto

- Hindi pinalampas ni Kiray Celis ang isang restaurant na gumamit ng kanyang picture sa kanilang post sa Facebook

- Aminado siyang dati siyang isa sa may-ari ng nasabing restaurant ngunit wala na umano siya doon

- Ani Kiray, may utang pa umano sa kanya ang may-ari ng nasabing restaurant kaya hinimok niyang tigilan ang paggamit ng kanyang picture

- Sa kasalukuyan burado na ang nasabing komento ni Kiray sa Facebook page ng nasabing restaurant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Kiray Celis na magkomento sa isang post ng restaurant na dati ay isa siya sa may-ari. Nilinaw niyang hindi na siya konektado sa naturang restaurant.

Kiray Celis, pinalagan ang paggamit sa kanyang picture ng isang resto
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Binalaan niya rin ang nasabing restaurant na huwag nang gamitin ang kanyang picture dahil hindi naman na siya konektado sa kanila.

Stop using my photo/s to promote your store. According to Right of Publicity, i can file complaints if you do not delete or use my photos again. Note: I'm not connected to this store.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Kiray, may utang pa sa kanya ang may-ari ng restaurant.

Alam niyo kung gaano ako nagsusupport ng mga small business lalo na ngayon pandemic. Pero etong resto napo na ito. Ako po ay isa sa mga may ari nito NOON. Nagpa buy out napo ako ng aking shares. Eto po Ay may utang sakin.. kaya sana po, bago magpost ng mga OLD PICTURES ko. Bayad bayad rin pag may time ng UTANG.
Kiray Celis, pinalagan ang paggamit sa kanyang picture ng isang resto
Kiray Celis
Source: Facebook

Ang aktres at komeyanteng si Kiray Celis ay unang sumikat sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Read also

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

Kilala si Kiray sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Matatandaang nag-viral din ang kanyang regalo para sa kanyang mga magulang noong Valentines Day.

Sinorpresa niya rin ang kanyang kapatid sa kaarawan nito ng bagong PS5.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel