Daddy Bonoy, ibinida ang kanyang mga halaman sa kanilang bahay
- Sa kanyang panibagong vlog ng BoPin YouTube channel, naibahagi ang mga alagang halaman ni Daddy Bonoy
- Kasama din nila sa naturang video ang kanilang bunsong anak na si Alex GOnzaga na siyang nagkumbinsi sa kanila na mag-vlog na rin
- Naibahagi din ni ALex kung gaano ka interesado ang kanyang daddy sa vlogging at marami umano itong ideas sa mga content na gagawin nila
- Gayunpaman, nape-pressure umano ito kapag tinatanong na ng mga tao kung kailan ang kanilang sunod na vlog
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muling kinaaliwan ang video na ibinahagi ng mag-asawang Daddy Bonoy at Mommy Pinty sa kanilang YouTube channel na BoPin. Sa kanilang pinakabagong video ay pinakita nila ang mga alagang halaman ni Daddy Bonoy.
Naibahagi din ni ALex kung gaano ka interesado ang kanyang daddy sa vlogging at marami umano itong ideas sa mga content na gagawin nila. Gayunpaman, nape-pressure umano ito kapag tinatanong na ng mga tao kung kailan ang kanilang sunod na vlog.
Kaya naman, nakiusap si Alex na huwag nang tanungin ang kanyang daddy ng tanong kung kailan ito mag-uupload ng vlog dahil na-pe-pressure umano ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay ay nakilala ng mga tao bilang mga magulang nina Alex at Toni Gonzaga. Kamakailan ay nagkaroon sila ng kanilang sariling YouTube channel at ang anak nilang si Alex Gonzaga ang siya umanong nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
PAALALA: Nawa ay laging ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng personal na opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.
Source: KAMI.com.gh