Mura, humingi ng saklolo sa vlogger na si 'Virgelyn': "Baka matulungan mo ulit ako"

Mura, humingi ng saklolo sa vlogger na si 'Virgelyn': "Baka matulungan mo ulit ako"

- Naipatingin na sa doktor si Mura sa tulong ng vlogger na si 'Virgelyn' ng Virgelyncares 2.0

- Ayon kay Mura, hindi na umano siya napuntahan muli ng grupong nangakong ipagagamot siya

- Naintidihan naman umano niya na baka busy ang mga ito kaya naman si Virgelyn ang kanyang naisip na hingan ng tulong

- Maging ang doktor na tumingin kay Mura ay binigyan din siya ng libreng gamot para sa kanyang karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling humingi ng saklolo si Mura sa vlogger na unang tumulong sa kanya na si 'Virgelyn' ng Virgelyncares 2.0.

Nalaman ng KAMI na hindi pa umano naipapatingin sa doktor si Mura ng grupo na nangako umano sa kanya.

Naiintindihan naman daw niya ito subalit nais na sana niyang maipatingin ang kanyang karamdaman.

Mura, humingi ng saklolo sa vlogger na si 'Virgelyn': "Baka matulungan mo ulit ako"
Mura (Photo credit: Virgelyncares 2.0)
Source: Instagram

Agad naman siyang pinuntahan ni Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" at sinamahan si Mura na magpa-doktor.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinaliwanag naman ng doktor na mayroon nga itong pneumonia na madadala pa umano ng gamutan.

Mapapansing labis na nabahala si Mura nang makita ang dami ng kanyang gamot subalit sadyang binibiyayaan siya ng mga mabubuting tao na tutulong sa kanya kaya naman ang mismong doktor niya ay sinagot na gastos sa mga gamot na kanyang iinumin.

Muli rin siyang binigyan ng tulong pinansyal ng kanyang 'Mama Virgelyn' masiguro lamang ang pagapapagaling ng munting komedyante.

Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica