Mura, nasabing plano pa sana nila ni Mahal na mag-vlog at gumawa ng pelikula

Mura, nasabing plano pa sana nila ni Mahal na mag-vlog at gumawa ng pelikula

- Naikwento ni Mura na balak pa sana siyang sunduin ni Mahal para gumawa ng mga vlog sa Maynila

- Susunduin daw sana siya ni Mahal ngayong Setyembre para sa mga proyektong gagawin muli nila na magkasama

- Isa na rito ang gagawin pa sana nilang pelikula na hindi pa nila nagagawa noon dahil madalas sa mga TV shows lamang sila nagkakasama

- Ipinarating din ni Mura ang pakikiramay sa pamilya ni Mahal at humingi siya ng paumanhin gayung hindi siya makakaluwas para damayan ang mga ito sa pagkamatay ng malapit na kaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis-labis ang kalungkutan ni Mura sa biglaang pagpanaw ng kanyang kaibigan at madalas na makasama sa showbiz na si Mahal.

Nalaman ng KAMI na talagang hindi agad na nakapaniwala si Mura sa sinapit ng kaibigan at inakala pang 'fake news' lamang ito.

Read also

"Hindi makahinga prank" ni Mahal kay Mygz Molino, binalikan ng netizens

Mura, nasabing plano pa sana nila ni Mahal na mag-vlog at gumawa ng pelikula
Si Mahal nang bumisita kay Mura sa Bicol nito lamang Agosto (Photo credit: Mygz Molino)
Source: Instagram

Nang dalawin siya ng vlogger na si 'Virgelyn' ng Virgelyncares 2.0, doon niya nakumpirmang wala na nga si Mahal.

Matatandaang ilang linggo lamang ang nakararaan nang magbiyahe si Mahal kasama ang kaibigang si Mygz Molino upang sadyain at bisitahin si Mura sa Guinobatan, Albay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masayang-masaya pa si Mura sa pagdalaw ng kaibigan na inabutan siya ng tulong at pangkabuhayan.

Bukod dito, naikwento ni Mura na plano pa sana siyang sunduin ni Mahal ngayong Setyembre para sa ilang proyekto.

"Sabi niya, susunduin daw niya ako ngayong September... Wala na"

Isasama sana ni Mahal si Mura sa kanilang mga vlog para na rin makatulong sa kaibigan.

"Meron nga raw sana kaming gagawing pelikula e. Hindi ko pa talaga siya nakasama sa pelikula. Mga gag show lang sa TV pero sa pelikula, never ko pa siya nakasama."

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Narito ang kabuuan ng panayam kay Mura ng Aksyon Ko, Online TV na ibinahagi rin ng ABS-CBN News:

Si Allan "Mura" Padua naman ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Ang vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang unang nakakita ng sitwasyon ng Mura sa Bicol. Inabutan niya ito ng tulong at ibinahagi sa publiko ang kalagayan ng dating komedyante.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel