"Hindi makahinga prank" ni Mahal kay Mygz Molino, binalikan ng netizens

"Hindi makahinga prank" ni Mahal kay Mygz Molino, binalikan ng netizens

- Muling binalikan ng mga netizens ang prank video ni Mahal kay Mygz Molino na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Sa naturang prank ay makikita si Mahal na nagkukunwaring nahirapan siyang huminga na ikinataranta ni Mygz

- Nang malamang na-prank lamang siya, sinaway ni Mygz si Mahal na huwag magbiro ng ganoon at kumatok pa siya sa kahoy para hindi magkatotoo ang biro ni Mahal

- Hindi maiwasan ng netizens na malungkot na nagkatotoo ang biro niya dahil nagpositibo ito sa COVID at isa sa pinagdadaanan ng karamihan sa nagkaka-COVID ay nahihirapang huminga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling binalikan ng mga netizens ang isang prank video ni Mahal kung saan nagkunwari siyang nahihirapan siyang huminga para makita ang reaksiyon ni Mygz Molino.

Sobrang nataranta si Mygz at pawis na pawis ito sa pagmamadali upang madala si Mahal sa ospital. Gayunpaman, nang sabihin ni Mahal na prank lamang iyon, pinagsabihan siya ni Mygz na huwag magbibiro ng ganun.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Video ng pag-prank ni Mahal kay Mygz Molino, binalikan ng netizens
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Napakatok pa si Mygz sa mesang kahoy upang hindi magkatotoo ang biro ni Mahal.

Gayunpaman, matatandaang napag-alamang nagpositibo sa COVID ang komedyante bago ito binawian ng buhay kaya hindi maiwasang malungkot lalo na ng mga taong sumusubaybay sa kanya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkatotoo ang prank ni Mahal ito ay pahiwatig na ky mygs kung ano riaction ni mygs pag nawala si mahal. Dito nataranta si Mygs sabi ni mahal makikita ang pagkataranta ni Mygs. Ito na pala huling blogs nya kasakit eh.
Nagkatotoo tuloy yung prank ni mahal, sumalangit ang iyong kaluluwa mahal. Kawawa nmn si migz kabait ba tao ito.
Grabeng nerbyos ni mygz ..nag knock on the wood pa sya dahil ayaw nya na may mangyaring masama kay Mahal.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel