JaMill, ipinasilip ang bago nilang negosyo sa Nueva Ecija

JaMill, ipinasilip ang bago nilang negosyo sa Nueva Ecija

- Ibinahagi ng JaMill ang mga kaganapan sa blessing at opening ng kanilang bagong business

- Sa ikatlong video nila sa kanilang YouTube channel, ipinakita nila ang sinasabi nilang 'new blessing' sa kanilang dalawa

- Matatandaang nito lamang Setyembre 15 nang gumulantang sa publiko ang JaMill dahil sa pagbabalik YouTube nilang dalawa

- Ito ay matapos ang ilang linggong pamamahinga matapos na magdesisyon na burahin nila ang naunang account na mayroon halos na 13 million na subscribers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinasilip nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ng 'JaMill' ang pinakabagong blessing nila.

Tila tuloy-tuloy na talaga ang muli nilang pagbangon sa kabi-kabilang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

JaMill, ipinasilip ang bago nilang negosyo sa Nueva Ecija
Sina Jayzam at Camille (Photo: @jamillph)
Source: Instagram

Sa ikaltong vlog ng dalawa sa kanilang bagong YouTube channel, ibinahagi ng JaMill ang mga kaganapan sa opening at blessing ng kanilang " Shimmer and Shield Jamill Auto Services" sa Nueva Ecija.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Present ang magkasintahan na nag-ribbon cutting pa sa pagbubukas ng bago nilang business.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Book na kayo, minsan baka ako pa mag-buff," ayon pa kay Jayzam.

Sa naturang vlog din naibahagi ng dalawa ang mga behind the scenes ng interview sa kanila ni Jessica Soho na naisa-ere kamakailan.

Ang tambalang 'Jamill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na nagkaroon ng 12.3 million subscribers.

Matatandaang humarap din sa matinding kontrobersiya ang kanilang tambalan dahil sa umano'y naging third party ng kanilang relasyon gayundin ang ilang reklamo sa kanila na nakarating pa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Gayunpaman, nalampasan parin ng tambalan ang mga pagsubok na ito na matapos na burahin ang naunang account sa YouTube, mabilis na nadagdagan ang kanilang subscribers nang muli silang magbalik nito lamang September 15. Sa ngayon, mayroon na silang 488,000 na subscibers sa loob lang ng anim na araw.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica