JaMill, napasaya ang batang nagtitinda ng sampaguita sa tulong na ibinigay nila

JaMill, napasaya ang batang nagtitinda ng sampaguita sa tulong na ibinigay nila

- Isang batang naglalako ng sampaguita ang napasaya ng magkasintahang "JaMill"

- Nang bumili sila ng pagkain sa isang drive-thru, natyempuhan sila ng isang batang nagtitinda ng sampaguita

- Hindi nagdalawang-isip ang dalawa na bilhin ang paninda ng bata at bigyan ito ng may kalakihang halaga

- Ito ay mapapanood sa ikatlong video na kanilang naibahagi sa kanilang bagong YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Biglaang nakapagbigay ng tulong sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ng 'JaMill' sa isang batang naglalako ng sampaguita.

Nalaman ng KAMI na sa ikatlong vlog ng magkasintahan sa bago nilang YouTube channel, ibinahagi nila ang ilang kaganapan sa kanila kamakailan.

Isa na rito ang bonding moments ng dalawa kung saan nag-mall sila at si Camille ang nag-drive.

JaMill, napasaya ang batang nagtitinda ng sampaguita sa tulong na ibinigay nila
JaMill (Photo credit: @camilleptrinidad)
Source: Instagram

Sa pag-uwi, nagtake out sila ng pagkain at doon nila nakita ang batang lalaki na nagtitinda ng sampaguita.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinausap naman ito ni Camille at tinanong kung magkano ang inilalakong bulaklak.

Php20 lamang ito subalit hindi nagdalawang isip ang dalawa na bigyan ng sobra-sobrang halaga ang bata.

Labis na nagpasalamat naman sa kanila ang batang nabigyan nila ng tulong sa hindi inaasahang pagkakataon.

Sa naturang video rin naibahagi nila ang kanilang reaksyon nang mapanood nila mismo ang panayam sa kanila ni Jessica Soho.

Ang tambalang 'Jamill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na nagkaroon noon ng nasa 13 million subscribers.

Sa kanilang pagbabalik YouTube, mabilis na dumami ang kanilang mga subscribers na umabot na ng 486,000 mula nang ipalabas nila ang unang video noong September 15, 2021.

Matatandaang humarap din sa matinding kontrobersiya ang kanilang tambalan dahil sa umano'y naging third party ng kanilang relasyon gayundin ang ilang reklamo sa kanila na nakarating pa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Read also

Balloon vendor, naluha sa 'di inaasahang pagkikita nila ng vlogger na hinahangaan niya

Gayunpaman, nalampasan parin ng tambalan ang mga pagsubok na ito gayung nadagdagan pa sila ng daan-daang libong subscribers matapos ang kontrobersiya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica