Angeline Quinto, nagbalik-tanaw sa kanyang sampung taon sa showbiz

Angeline Quinto, nagbalik-tanaw sa kanyang sampung taon sa showbiz

- Isang pagbabalik-tanaw ang ginawa ni Angeline Quinto sa kanyang sampung taon sa showbiz

- Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang reaksiyon at kwento sa ilang mga video at pictures niya na nasa internet

- Kabilang na sa mga ito ang picture niya mula noong nag-umpisa pa lamang siyang sumali sa mga singing contest kung saan siya unang nakilala

- Nakatakdang ipalabas ang kanyang concert para sa kanyang sampung taon sa music at showbiz industry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang ikasampung taon bilang bahagi ng music at showbiz industry, magkakaroon ng concert si Angeline Quinto. Sa kanyang pinakabagong vlog ay nagbalik-tanaw ang mang-aawit sa kanyang mga naging karanasan bago niya tuluyang marating ang kanyang tinatamasang kasikatan.

Angeline Quinto, nagbalik-tanaw sa kanyang sampung taon sa showbiz
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Isa-isang pinakita ni Angeline ang ilan sa mga picture at videos niya na kuha mula noong nag-uumpisa pa lamang siyang sumali sa mga singing contest.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Sa isang picture ay makikita ang pagiging alangan ni Angeline na ngumiti dahil umano hindi siya confident sa kanyang ngipin noon na may sungki.

Nilinaw ni Angeline na hindi niya iyon pinatanggal. Bagkus, naayos ang kanyang ngipin sa tulong ng braces na kanyang isinuot sa loob ng walong buwan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin ang kanyang pagiging fan ni Regine Velasquez. Inamin niyang hindi talaga nawawala sa kanya ang pagkaka-star struck sa tuwing nakikita niya noon ang Asia's Songbird dahil sobra niya itong hinahangaan.

Si Angeline Quinto ay isa sa pinaka-sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Isa din si Angeline sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube videos nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel