Kisses Delavin sa pagsali ng transwoman sa mga beauty pageant: "Go for it!"

Kisses Delavin sa pagsali ng transwoman sa mga beauty pageant: "Go for it!"

- Naitanong ni Boy Abunda kay Kisses Delavin kung ano ang pananaw nito sa pagsali ng mga transgender woman sa mga beauty pageants

- Diretsong sinagot ni Kisses ang tanong na may pagsuporta sa mga transwoman na nais maging bahagi ng mga beauty pageant

- Kaugnay nito, nilarawan ni Kisses ang mga kababaihan bilang multidimensional

- Matatandaang sa unang bahagi ng interview ni Boy Abunda kay Kisses, nabanggit nito ang halaga ng kanyang baon araw-araw noong siya'y nasa kolehiyo pa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ikatlong bahagi ng panayam ni Boy abunda kay Kisses Delavin, napag-usapan nila ang ilang mga detalye ng pagsali ng dating PBB housemate sa Miss Universe Philippines.

Nalaman ng KAMI na bahagi ng panayam ang ilang mga pang-Miss Universe na katanungan na ibinato ni Boy Abunda kay Kisses.

Read also

94-anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID

Karamihan sa mga ito ay ang mga kontrobersyal na katanungan na naitanong na mga beauty pageants.

Kisses Delavin sa pagsali ng transwoman sa beauty pageants: "Go for it!"
Kisses Delavin (@kissesdelavin)
Source: Instagram

Isa na rito ang katanungan tungkol sa pagsali ng mga transwoman sa mga beauty pageant tulad ng kasalukuyang sinasalihan ngayon ni Kisses na Misse Universe Philippines.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Should a transgender woman be allowed to join beauty pageants?" tanong ni Abunda.

Diretsahan naman itong sinagot ni Kisses na may pagsuporta sa mga transwoman sa pagpasok sa pageantry.

"If that transwoman would be able to celebrate herself the most of she joins the Miss Universe pageant, go for it, because women are multidimensional."
"And if you're a transwoman and you want to win Miss Universe, put your heart into it, you will make a change."

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa The Boy Abunda Talk Channel:

Read also

Neil Arce inalmahan ang isang government official na nagsabing ‘no brain cells’ si Angel Locsin

Si Kisses Delavin ay isang aktres, product endorser, commercial model at beauty queen. Produkto si Kisses ng Pinoy Big Brother Lucky 7 edition kung saan tinanghal siya bilang Second Big Placer.

Matatandaang sa unang bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Kisses, naging kontrobersyal ang naikwento ng aktres kung saan Php1,000 ang kanyang baon noong siya'y nasa kolehiyo pa lamang. Mas lalo itong naging usap-usapan nang sabihin ni Kisses na Php100 lang ang kanyang nagagastos sa isang linggo.

Isa si Kisses sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2021. Siya ang kinatawan ng Lungsod ng Masbate.

Ipinapaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, laging isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel