94-anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID

94-anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID

- Ibinahagi ni Angel Locsin ang isang video ng pagsasakay ng kanyang ama sa isang ambulansiya

- Base sa kanyang caption sa nasabing Instagram post, tinamaan ng COVID-19 ang kanyang amang 94 anyos na

- Gayunpaman, marami ang nakapansin sa pagiging matatag ni Angel sa kabila ng nangyari sa kanyang ama

- Bumuhos naman ang mga mensahe at panalangin mula sa mga netizens at kasamahan ni Angel sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram post, isang picture at video ang ibinahagi ni Angel Locsin na nagpapakita ng pagsakay sa kanyang 94 anyos na ama sa ambulansiya matapos itong tamaan ng COVID-19.

94 anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID
Angel Locsin (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Sa kanyang caption, nabanggit ni Angel na nakaramdam siya ng pagiging helpless nitong linggo.

It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

Read also

COVID patient, naluha sa sulat na padala ng anak na binasa sa kanya ng pari

Sa kabila ng kanyang dinadanas, isang mensahe ang kanyang ibinahagi para sa mga PWD na kumakaharap din sa mga hamon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass

Bumuhos naman ang mga mensahe at panalangin mula sa mga netizens at kasamahan ni Angel sa showbiz.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel