COVID patient, naluha sa sulat na padala ng anak na binasa sa kanya ng pari

COVID patient, naluha sa sulat na padala ng anak na binasa sa kanya ng pari

- Ibinahagi ng isang pari ng Philippine General Hospital ang nakakaantig ng pusong eksena na kanyang nasaksihan

- Hindi umano napansin ng isang COVID-19 patient ang maiksing liham na kasama ng pinadala sa kanyang biskwit ng pamilya

- Dahil sa hindi umano ito nakakabasa, inakala niyang piraso lamang ng papel ang liham na mula pala sa kanyang anak

- Kaya naman nang basahin ito ng pari sa kanya, naiyak na lamang ito at sinabing sana'y gumaling na siya para makasama ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ni Fr. Marlito Ocon ang nakakadurog ng pusong eksena na kanyang nasaksihan sa COVID ward ng Philippine General Hospital.

Nalaman ng KAMI naroon ang pari para sa sakramento ng pagpapagaling o "anointing of the sick". Nakapukaw ng kanyang atensyon ang isang lalaki na kalauna'y nalaman niya na isa pa lang construction worker.

Read also

94-anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID

COVID patient, naluha sa sulat na padala ng anak na binasa sa kanya ng pari
Photo from Father Marlito Ocon (Marlito G. Ocon SJ)
Source: Facebook

Binuksan daw nito ang biskwit na dala ng kanyang pamilya ngunit hindi nito napansin ang papel na kasama nito.

"I saw Patient X, a construction worker but very thin who can hardly eat and breath and move. He was holding a biscuit (the only thing his young daughter can afford to send) since no watchers are allowed inside.. He opened the biscuit with his teeth without seeing that there was a letter attached to it,” kwento ng pari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napansin ni Fr. Marlito na napunit ang papel na isa palang liham mula sa pamilya ng pasyente.

"‘Manong nabasa mo na ba itong sulat?’ Sabi niya, ’’Di ko alam may sulat pala, di na rin kasi ako makabasa Father,”

Kaya naman binasa ito ng pari sa pasyenteng naluha na lamang at sinabing “Sana maka-survive ako at makasama ko pa mga anak ko.”

Read also

Hash Alawi, pinagbigyan ang kanyang fans at subscribers sa request nilang car tour

"Dahil wala silang cellphone, kahit sa kapirasong papel naipadama ang pagmamahal ng anak sa kanyang Ama. With just a few words in a piece of paper and a Skyflakes - loved was fully expressed."

Narito ang kabuuan ng nakakaantig pusong post:

Sa panahon ngayong nananalasa pa rin ang COVID-19 sa bansa, maraming pamilya ang labis na sinusubok.

Tulad ng construction worker na ito na nagkasakit, apektado ang kanyang pamilya na siya ang inaasahan para sa kanilang ikabubuhay.

Gayundin ang mga medical frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran, matupad lamang ang kanilang sinumpaang tungkulin at upang makatulong sa mga may sakit COVID-19 man o hindi.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica