Tatay Elmer ng 'Piston 6', namataang namamahagi ng tulong sa kanilang community pantry

Tatay Elmer ng 'Piston 6', namataang namamahagi ng tulong sa kanilang community pantry

- Isa si Elmer Cordero sa mga namamahagi ng tulong sa kanilang community pantry sa Narra St. sa Quezon City

- Ito raw ang pagkakataon ni Tatay Elmer upang makapagbigay tulong naman sa marami pang nangangailangan

- Matatandaang inulan din ng tulong noon si Tatay Elmer nang siya ay makulong dahil sa inakalang protesta na ginawa umano sa EDSA Caloocan

- Dahil hindi na muling makapasada, nagtayo ng sariling tindahan si Tatay Elmer sa tulong ng mga nagmalasakit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namataan ang 72-anyos na dating jeepney driver na si Elmer Corder na namamahagi ng tulong sa community pantry ng Narra Street sa Quezon City.

Matatandaang si Tatay Elmer ay kasama sa Piston 6 na inakalang nagpoprotesta sa EDSA Caloocan sa tigil pasada noong nakaraang taon na nagdala umano ng matinding gutom sa mga maraming tsuper.

Read also

Single mom na OFW, masayang inaabot ang mga pangarap para sa mga anak

Matapos na mapalaya noon ang 'Piston 6' na kasama ni Tatay Elmer, naiwan siya sa piitan dahil sa kasong naisampa sa kanya sa di pagbabayad sa inupahang bahay matagal na panahon na ang nakalipas.

Tatay Elmer ng 'Piston 6', namataang namamahagi ng tulong sa kanilang community pantry
Photo: Elmer Cordero ng 'Piston 6' at ang isa sa tumulong sa kanya noon na si Shiwen Lim (Sabrinacio Footwear)
Source: Facebook

Marami ang nagmalasakit na magbigay noon ng tulong kay Tatay Elmer upang makalaya ito.

Dinagsa rin ng tulong ang kanyang pamilya gayung hindi na rin siya makabalik sa pamamasada lalo na at ipinagbabawal ang mga senior citizens sa paglabas.

Dahil dito, nakapagpatayo na lamang ng tindahan si Tatay Elmer na siya ngayong pinagkukunan niya ng pagkakakitaan ayon sa ABS-CBN News.

At ngayon, oras naman daw ng dating tsuper na makatulong sa kapwa niyang nangangailangan.

Ayon sa panayam sa kanya ng GMA News, sinabi ni Tatay Elmer na marami pa umanong nangangailangan ng tulong kaya naman hindi siya nag-atubili na ibahagi kung ano ang kanyang nakayanan.

"Noong mangailangan ako, napakaraming tumulong at nagbigay. Panahon naman ngayon para tumulong at magbigay dahil napakarami pa ring nangangailangan."

Read also

Nag-viral na sorbetero, emosyonal na ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagsusumikap

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ramdam ni Tatay Elmer ang dami ng mga tumulong sa kanya noong siya ay nangangailangan kaya naman ito na ang pagkakataon niyang maibalik ang kabutihang kanyang natanggap.

Ayon sa post ng Kilusang Mayo Uno, karamihan sa mga natutulungan ng kanilang community pantry ay ang mga tsuper na di na rin nakapasada at tuluyan nang nawalan ng trabaho.

Nagbigay din ang nasabing grupo ng impormasyon kung saan maaring makapagpaabot ng tulong sa kanilang community pantry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Hanggang Abril 30, nakataas pa rin ang modified enhanced community quarantine sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Read also

Viral na hardinero na dumidiskarte dahil nawalan ng trabaho, dinagsa ng tulong

Dahil dito marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa muli nakababalik sa kani-kanilang mga hanapbuhay.

Kaya naman malaking bagay ang pagkakaroon ng mga community pantry sa iba't ibang lugar na makatutulong sa mga pamilyang lalong naghihikahos sa panahon ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica