Neil Arce inalmahan ang isang government official na nagsabing ‘no brain cells’ si Angel Locsin

Neil Arce inalmahan ang isang government official na nagsabing ‘no brain cells’ si Angel Locsin

- Pinalagan ni Neil Arce ang naging pahayag ng director-general ng Presidential Communications Office-Philippine Information Agency laban sa kanyang asawang si Angel Locsin

- Matatandaang sa Facebook post ni undersecretary Mon Cualoping ay nasabi nitong “no brain cells" ang aktres

- Bago pa ang post na ito ni Cualoping, ibinahagi ni Angel ang kanyang realizations ngayong pandemic at ang kanyang pagpupugay sa mga health workers

- Isang hamon ang binitawan ni Neil at sinabing magkita sila kung matapang talaga ito nang silang dalawa lamang

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang umalma ni Neil Arce sa pahayag ng director-general ng Presidential Communications Office-Philippine Information Agency laban sa kanyang asawang si Angel Locsin.

Ito ang kanyang tugon sa Facebook post ni undersecretary Mon Cualoping na nagpost kasunod ng Instagram post ni Angel kung saan ibinahagi niya ang kanyang realizations ngayong pandemic at ang kanyang pagpupugay sa mga health workers.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Neil Arce inalmahan ang isang government official na sinabihang ‘no brain cells’ si Angel Locsin
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinamon ni Neil si Cualoping na magkita sila kung talagang matapang ito.

“Mukhang sobrang tapang mo sa Facebook sir. I respect your political stand and your opinions but insulting my wife personally is a bit off,”
Neil Arce inalmahan ang isang government official na sinabihang ‘no brain cells’ si Angel Locsin
Screenshot ng komento ni Neil Arce sa post ni Undersecretary & Director-General of the Presidential Communications Office-Philippine Information Agency Mon Cualoping
Source: Facebook

Hindi diretsahang sinagot ni Cualoping ang komento ni Neil sa post niya na sa kasalukuyan ay wala na sa comment section. Gayunpaman, nanindigan siya sa kanyang naunang pahayag.

“Tungkol naman sa brain cells, I stand by what I said. How do we survive as a society without police force and business folks? May nagsabi pang figure of speech lang daw yung sinabi ng artista. Pano? Suntukan na lang? O patayan? Ayaw nila EJK diba,”

Si Angel Locsin ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye kagaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Read also

94-anyos na ama ni Angel Locsin, isinugod sa ospital dahil sa COVID

Siya ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate