Mikee Morada, mangiyak-ngiyak matapos muling mabiktima ng prank ni Alex Gonzaga
- Ayon kay Alex Gonzaga, matagal niya nang kinukumbinsi ang kanyang asawa na i-prank siya
- Gayunpaman, ayaw umano nito kaya napag-isipan niyang siya na lang ang magpa-prank uli kay Mikee
- Para mas maging kapani-paniwala ang kanyang prank, inumpisahan niya nang gawin ang ilang bagay para lalong mas maging kapani-paniwala sa asawa ang prank
- Marami naman ang humanga sa pagiging kalmado ni Mikee sa gitna ng kanyang kinaharap na tensiyon habang nagaganap ang prank sa kanya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos niya umanong kumbinsihin ang asawang si Mikee Morada na i-prank siya, umayaw ito kaya naisipan niyang siya na lang ang mag-prank kay Mikee.
Kinausap niya ang kanyang PA na si Sophie at ilan pang mga tao sa kanilang bahay maliban lamang kay Mikee at sa kanyang Mommy Pinty.
Bago pa man niya isinagawa ang prank na kunwari ay magkakaroon sila ng samaan ng loob ni Sophie kaya aalis ito, ginawan niya na ng paraan upang mas maging kapani-paniwala ang kanilang prank.
Hindi naman nakahalata si Mikee lalo at umiyak pa si Sophie at nasugatan si Alex nang magbasag ng baso si Sophie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila ng kanilang sagutan, nanatiling kalmado si Mikee at sinubukan niyang pakinggan ang magkabilang panig.
Nang sabihin naman sa kanya na prank lamang iyon, hindi nakaligtas kay Alex na maluha-luha ang kanyang mister. Maging ang mga netizens ay napabilib sa pinakita ni Mikee.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh