Ethel Booba, kung ano-ano ang nakita nang ibida ang bag collection: "Ba't may vetsin?"

Ethel Booba, kung ano-ano ang nakita nang ibida ang bag collection: "Ba't may vetsin?"

- Ipinakita ni Ethel Booba ang kanyang bag collection sa kanyang pinakabagong vlog

- Ibinahagi rin niya sa mga netizens na para maayos pa rin ang porma ng mga bags, nilalagyan niya ito ng mga damit sa loob

- Ngunit laking gulat niya nang makitang may mga condiments siyang nakita sa ilan sa kanyang mga bag

-Kwento niya, huli raw gumamit ng bag na iyon ang kanyang 'mamang' na pinahihiram niya talaga ng mga mamahalin niyang bag

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinida ni Ethel Booba ang kanyang bonggang bag collection sa kanyang pinakabagong vlog.

Nalaman ng KAMI na mahilig pala si Ethel sa mga signature bags partikular na ang "Louis Vuitton" at "Chanel."

Ang ilan, sa tagal na niyang hindi nagagamit, nilarawan niyang 'inamag' na habang ang ilan naman ay maayos pa ang porma lalo na sa kanyang sikreto.

Read also

Baron Geisler, pinagsisihan ang pagmamaltrato noon sa mga kasambahay

Ethel Booba, kung ano-ano ang nakita nang ibida ang bag collection: "Ba't may vetsin?"
Ethel Booba kasama ang kanyang partner na si Chef Jessie (@ethelbooba/ Ethyl Coyoca Gabison)
Source: Instagram

Nilalagyan daw niya kasi ng mga damit at iba pang mga gamit ang kanyang mga bag upang maging maayos pa rin ang hulma at porma nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa malalaki niyang bags, kumot na talaga ang mga nilagay niya habang ang ilan ay mga float balls na pambata ang nasa loob.

Ngunit ang ikinagulat umano ni Ethel ay nang makakita ng ilang mga condiments sa iba niyang bag.

"Hala, ano to? Ba't may vetsin?" Pagtataka ni Ethel na naipahiram daw ang kanyang bag sa ina.

Subalit sa iba pa niyang mga bags, nakitaan naman niya ito ng 'Magic Sarap' at ang isa naman ay foil.

Narito ang kabuuan ng nakatutuwang video ni Ethel mula mismo sa kanyang YouTube channel:

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer sa bansa. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Read also

Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na si Nanay"

Kamakailan, kinagiliwan siya ng netizen nang bisitahin niya ang viral online seller na si Madam Inutz.

Kasama noon si Donita Nose, pinakyaw nila Ethel ang paninda noon ni Madam Inutz at nakipag-bonding na rin dito pagkatapos.

Bagaman at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, sinabing naayos na rin ito nang magkausap sina Ethel at manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel