Kapatid ng girlfriend ni Whamos, sinabing nasaksihan ang pang-aabuso sa kapatid

Kapatid ng girlfriend ni Whamos, sinabing nasaksihan ang pang-aabuso sa kapatid

- Upang mapatunayan ang nabanggit ng menor de edad na girlfriend ng vlogger na si Kim Whamos, pinadala ni Raffy Tulfo ang isa niyang reporter

- Dito at nakausap ng RTIA reporter ang kapatid ng dalaga at sinabi nitong nasaksihan niya umano ang pangmomolestiya sa kanyang kapatid

- Gayunpaman, umalis na lang din siya sa bahay dahil ayaw niya umanong sirain ang pamilya nila

- Sasailalim sa assessment ang dalaga upang matukoy kung totoo ang kanyang sinasabi at maibigay ang nararapat na tulong para sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang alegasyon ang binitawan ng menor de edad na girlfriend ni Kim Whamos matapos sabihin ng kanyang ina na bumalik na siya sa kanila. Aniya, ayaw niya nang bumalik sa bahay nila dahil monimolestiya umano siya ng asawa ng kanyang nanay.

Kapatid ng girlfriend ni Whamos, sinabing nasaksihan ang pang-aabuso sa kapatid
Kim Whamos (@masterwhamos)
Source: Instagram

Dito na nabahala si Idol Raffy kaya pinadala niya ang isa nilang reporter upang alamin ang iba pang detalye. Ayon nga sa reporter, napag-alaman niyang, iba-iba umano ang ama ng mga bata.

Read also

Kim Whamos, nanidigang hindi niya ibinahay ang girlfriend

Isa sa mga kapatid ng dalaga ang nagsabing siya mismo ay nasaksihan umano ang pangmomolestiya sa kanyang kapatid ngunit hindi siya nakapagsalita dahil ayaw niyang masira ang kanilang pamilya.

Nakatakdan sumailalim sa assessment ang dalaga upang matukoy kung totoo ang kanyang sinasabi at maibigay ang nararapat na tulong para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang nag-post ang ina ng kanyang girlfriend sa social media upang matulungang mabawi ang kanyang menor de edad na anak. Hanggang sa nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo kung saan sinabi ng bata na ayaw niya nang bumalik sa kanyang ina dahil aniya ay minomolestiya siya ng kanyang step-father.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Read also

Ninang, nagulat nang malamang siya pala ang bride sa pinuntahang kasal

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon..

Source: Kami.com.ph

Online view pixel