Kim Whamos, nanidigang hindi niya ibinahay ang girlfriend

Kim Whamos, nanidigang hindi niya ibinahay ang girlfriend

- Iginiit ng vlogger na si Whamos ang kanyang katwiran kaugnay sa pagkukuwestiyon niya kung bakit siya kakasuhan ng child abuse

- Aniya, unang-una ay nagpaalam siya sa ina ng kanyang girlfriend na manliligaw siya kahit alam niyang menor de edad pa lamang ito

- Gayunpaman, kinontra din ito ng ina ng kanyang nobya at siya pa umano ang nagtanong kung magkarelasyon na ba sila

- Iginiit din ni Whamos na hindi niya ibinahay ang kanyang girlfriend at nakatira umano ito sa kanyang ama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos siyang ireklamo sa programa ni Raffy Tulfo, minabuti ni Kim WHamos na linawin ang kanyang panig kaugnay sa mga alegasyon laban sa kanya. Ito ay kaugnay sa umano'y pagdala nito sa kanyang menor de edad na girlfriend sa kanyang bahay.

Kim Whamos, nanidigang hindi niya ibinahay ang girlfriend
Kim Whamos (@masterwhamos)
Source: Instagram

Gayunpaman, ayon kay Whamos, hindi sila nagsasama sa isang bubong ng kanyang nobya at nagkakasama lamang umano sila kapag gagawa ng video para sa kanyang YouTube channel.

Read also

Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na si Nanay"

Pinabulaanan din nito ang alegasyong may nangyari na sa kanila ng kanyang girfriend. Aniya sa tatay niya ito nakatira kaya hindi siya maaring kasuhan ng child abuse.

Gayunpaman, ayon kay Atty. Gareth Tungol ng ACTS-CIS, depende pa rin sa mapapatunayan kung makakasuhan ang vlogger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang nag-post ang ina ng kanyang girlfriend sa social media upang matulungang mabawi ang kanyang menor de edad na anak. Hanggang sa nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo kung saan sinabi ng bata na ayaw niya nang bumalik sa kanyang ina dahil aniya ay minomolestiya siya ng kanyang step-father.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Read also

Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate