Naitalang "oldest living Filipino", may anak na lumampas na rin ang edad sa 100
- Lumapas na rin sa 100 ang edad ng anak ni Lola Francisca Susano, ang tinaguriang 'oldest living Filipino
- Ang anak kasi niyang si Magdalena ay 101 taong gulang na ngayong taon
- Umaasa hindi lamang ang pamilya ni Lola Francisca na hindi lamang kilalanin sa bansa ang kanyang lola kundi maging sa buong mundo partikular na sa Guinness Book of World Records
- Ayon sa kaanak nila Lola Francisca at anak nitong si Magdalena, gulay ang madalas na kainin ng mga ito na pinaniniwalaang sikreto ng kanilang mahabang buhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mahigit isang daang taong gulang na rin ang anak ni Lola Francisca Susano na si Magdalena.
Nalaman ng KAMI na si Lola Francisca ay ang tinaguriang "oldest living Filipino" na namamalagi sa Kabankalan, Negros Occidental.
Ayon sa Balita.ph, 101 na si Magdalena na isang centenarian na rin tulad ng kanyang ina.
Samantala, si Lola Francisca naman ay magdiriwang ng kanyang ika-124 na kaarawan sa Setyembre 11.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kwento ng pamilya nina Lola Francisca at anak nitong si Magdalena na pawang gulay ang madalas na kainin ng dalawa.
Pinaniniwalaang ito umano ang dahilan kung bakit lumampas sa isang daang taon ang mga edad nito.
14 ang mga naging anak ni Lola Francisca. 16 naman ang inabot niyang presidente dahil mula pa kay Emilio Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang Pangulo Rodrigo Duterte.
Ayon sa GMA News, harmonica player din si Lola Francisca. Iyon umano ang isa sa libangan ng matanda at nagsisilbing lung exercise niya tuwing umaga.
At dahil sa pandemya, labis na pinag-iingatan na pinag-iingayan ng pamilya ang kalusugan ng dalawa.
Sa ulat ng PEP na nakapanayam ng apo ni Lola Francisca na si Merlene Susano, malaki umano nag pag-asang makapasok na ang kanyang lola sa Guinness World Records.
Sa ngayon kasi, Jeanne Louise Calment galing Arles France na umano'y may edad na 122 ang tinaguriang 'oldest living person in the world'
Kamakailan, nag-tandem sina Raffy Tulfo at Senator Manny Pacquiao upang mapasaya ang isang 101 anyos na mula sa Cebu. Ayon kasi sa lola, idolo niya ang dalawa kaya naman niregaluhan niya ang mga ito ng ginagawa niyang handicrafts.
Dahil dito, sasadyain nina Tulfo at Pacquiao ang lola sa Oktubre upang lalong sumaya ang kaarawan nito.
Hinandugan din ni Pacquiao ang kanyang fan ng Php101,000 sa pag-abot nito ng edad na 101 habang si Tulfo naman ay nagbigay ng karagdagang Php50,000.
Source: KAMI.com.gh