Madam Inutz, nanonood noon ng videos ng 'JoLai': "Nakaka-relate ako"

Madam Inutz, nanonood noon ng videos ng 'JoLai': "Nakaka-relate ako"

- Naikwento ni Madam Inutz na isa sa mga sinubaybayan niyang mga vlogger noon ay ang 'Jolai' na binubuo ni Jelai Andres at Jon Gutierrez

- Nakaka-relate umano siya sa dalawa lalo na sa mga pinagdaanan ng mga ito bilang mag-asawa

- Hindi man ikinasal si Madam Inutz tulad ng 'Jolai' subalit halos pareho sila ng kinahinatnan ni Jelai pagdating sa pag-ibig

- Bukod dito, isa rin ang yumaong si Lloyd Cafe Cadena sa mga sinubaybayan ni Madam Inutz dahil hanga umano siya sa pagtulong na ginagawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' na dati niyang pinapanood ang mga vlogs ng 'Jolai.'

Nalaman ng KAMI na bagong vlog ng viral online seller, sinagot niya ang ilang mga katanungan sa kanya ng kanyang mga subscribers kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Read also

Paolo Contis, nilinaw na hindi si Yen Santos ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes

Isa sa mga naitanong kay Madam Inutz ay kung kaninong YouTube channel ang kanyang pinapanood noon.

Madam Inutz, nanonood noon ng videos ng 'JoLai': "Nakaka-relate ako"
Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook
"Nung hindi pa ako nago-online selling, ang pinanonood ko ay Team Jolai. Nakarelate ako sa kanya"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Madam Inutz, hindi raw kasi nalalayo ang kanyang karanasan sa mga naganap kay Jelai Andres lalong-lalo na pagdating sa kanilang love life.

"Yun nga lang ang pagkakaiba namin, hindi ako kasal, pero may anak kami."

Bukod kina Jelai at Jon Gutierrez o mas kilala bilang si King Badger, pinapanood din ni Madam Inutz ang mga vlog ng yumaong si Lloyd Cafe Cadena.

Aniya, tulad ng kanyang sir Wilbert, likas na matulungin din si Lloyd kaya naman natutuwa siyang panoorin ito.

Narito ang first part Q&A ni Madam Inutz na mapapanood sa kanyang YouTube channel:

Read also

Jolina Magdangal, kinagiliwan dahil sa cute na reaksyon niya sa kapangalang bagyo

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanya na ngayong manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel