Cellphone sa tindahan, ninakaw habang ginagamit pa ito sa live selling

Cellphone sa tindahan, ninakaw habang ginagamit pa ito sa live selling

- Nakuha ang smartphone ng isang tindera ng sapatos habang siya mismo ay nagla-live selling

- Nagpanggap umanong customer ang magnanakaw na nagpakuha ng kahon sa binili niyang rubber shoes

- Nang makalingat ang isang tindera para kumuha ng kahon, kitang-kita sa live selling ang pagdampot ng lalaki sa cellphone

- Maririnig din ang mga sinabi ng magnanakaw hanggang sa makalabas ito ng tindahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang tindahan ng sapatos sa Caloocan ang nanakawan ng cellphone ng lalaking nagpanggap na isang customer.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyan noong nagla-live selling ang tindera na hindi tumigil sa kanyang live nang pumasok ang lalaki.

Maririnig pang sinabi nito na "wait lang guys ha", bago inasikaso ang lalaking nagkunwaring mamimili ngunit may masama palang binabalak.

Cellphone sa tindahan, ninakaw habang ginagamit pa ito sa live selling
Photo from Pixabay
Source: Facebook

Dahil sa walang kahon ang mga naka-sale umano na sapatos, nakiusap ang lalaki na makahingi ng kahon na pinagbigyan naman ng tindera.

Read also

Eric Fructuoso, emosyonal sa biglang paglago ng mga negosyo: "Para sa mga anak ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang malingat ang tindera para kumuha ng kahon, doon makikita sa CCTV ang pagdampot ng nagpanggap na customer sa cellphone.

Bukod sa CCTV, kitang-kita rin sa ninakaw nitong smartphone ang aktwal na pagdampot at maririnig din ang mga sinabi ng magnanakaw hanggang sa makalabas na ito ng tindahan.

Sa panayam ng GMA News sa may-ari ng VinKicks Store na si Nica Mae Cacnio, magkahalong emosyon ang kanyang naramdaman sa insidente.

"Pakiramdam ko hindi ko alam kung maiinis ako or matatawa ako sa pangyayari kasi hindi niya po alam yung about po dun sa live... Natatawa na lang ako sa pangyayari"

Subalit ang kanyang mister, nagalit ngunit natawa rin gayung nakunan ang pagnanakaw nang hindi inaasahan.

Samantala, patuloy na ang imbestigasyon sa pangyayari lalo na at bahagyang nakita ang mukha ng magnanakaw na noo'y naka-helmet pa gayung nakatakas ito sakay ng motorsiklo ng kanyang kasama.

Read also

Video ni Paolo Contis kasama ang 'mystery girl', viral sa gitna ng kontrobersya

Tila naglipana ang mga kawatan kamakailan sa kabila ng patuloy na pagpapahirap sa atin ng pandemya.

Matatandaang isang babaeng delivery rider ang talagang napalupasay nang makitang ninakaw na pala ang kanyang bisikleta na pangunahin niyang ginagamit sa paghahanapbuhay.

Marami ang nadurog ang puso nang mapanood ang video ng babaeng maayos na naghahanapbuhay ngunit kamalasan ay nakaranas pa na pagnakawan.

Hindi rin nalalayo sa insidenteng ito ang isang delivery rider na nanakawan ng cellphone. Isang grupo naman ng mga motorcycle riders ang nagmalasakit na bigyan ng bagong cellphone ang delivery rider upang maipagpatuloy pa rin nito ang kanyang hanapbuhay.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica