Ogie Diaz sa mga photos at video ni Paolo Contis na may kasamang babae: "Feeling ko, si Yen nga 'yun"

Ogie Diaz sa mga photos at video ni Paolo Contis na may kasamang babae: "Feeling ko, si Yen nga 'yun"

- Sinabi ni Ogie Diaz na si Yen Santos nga ang babaeng kasama umano ni Paolo Contis sa kumakalat na video at mga larawan sa social media

- Gayunpaman, walang kumpirmasyon mismo kina Paolo at Yen tungkol dito

- Naniniwala si Ogie Diaz na magsasalita si Paolo ukol sa issue na sa ngayon ay tikom pa rin ang kanyang bibig ukol dito

- Hindi rin umano masabi ni Ogie na kung ano ang istorya sa mga kaumakalat na video at larawan ng dalawa at maging si Yen Santos ay hindi pa rin nagsasalita ukol dito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naniniwala umano si Ogie Diaz na si Yen Santos nga ang babaeng kasama raw ni Paolo Contis sa video at mga larawang kumakalat sa social media.

Naglabasan ang mga larawan at video na magkasama umano ang dalawa matapos na kumpirmahin ni LJ Reyes ang hiwalayan nila ni Contis.

Read also

Cristy Fermin, kinumpirmang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video

Ogie Diaz sa mga photos at video ni Paolo Contis na may kasamang babae: "Si Yen nga 'yun"
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Sa kanyang Showbiz update, di raw masasagot ni Ogie Diaz kung aamin man si Paolo sa mga larawan nila ni Yen gayung hindi rin daw ito nasasabi sa kanya mismo ng aktor.

"Pero feeling ko 'yung mga nakita nating litrato, si Yen nga 'yun."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, maaring may iba raw istorya ang mga video at larawan ng dalawa na magkasama lalo na at maging si Yen at tikom pa rin ang bibig ukol dito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz update:

Si Paolo Contis ay isang Filipino actor na nagsimula sa showbiz bilang isang child actor. Produkto siya ng "Ang TV" ng ABS-CBN. Kasalukuyan naman siyang Kapuso actor. Nakatanggap na rin siya ng ilang acting awards na karamihan ay mula sa PMPC Star Awards.

Read also

Ogie Diaz sa issue ni Paolo Contis kay LJ Reyes: "Aakuin niya yan... Hihingi 'yan ng sorry"

Kamakailan, naging kontrobersyal si Paolo sa hiwalayan nila ng dating karelasyon na si LJ Reyes. Kinumpirma ni LJ ang paghihiwalay na nila ng landas ni Paolo ngunit hindi pa nito ibinagsak ang naging mabigat na rason.

Naikwento rin ni LJ na minsan na niyang natanong si Paolo kung nais pa nitong pabalikin sila nguninit "Hindi" na raw ang sagot ng aktor.

Kasalukuyan nang nasa New York City sa USA si LJ at mga anak nitong sina Aki at Summer kung saan niya ginawa ang ekslusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel