Mygz Molino, pinasalamatan ng mga kapatid ni Mahal sa pag-alaga niya
- Taliwas sa mga bali-balitang sinisisi ng pamilya ni Mahal si Mygz Molino, nilinaw ng dalawang kapatid ni Mahal na tanggap na nila ang nangyari sa kapatid
- Hindi umano nila sinisisi si Mygz sa pagkawala ng kanilang kapatid bagkus pinasasalamatan nila ito
- Nagpapasalamat silang nakita nilang masaya ang kanilang Ate Mahal na masaya noong buhay pa ito at naninirahan kina Mygz
- Pinagpasalamat din nila ang pagpapasensiya ni Mygz sa kanilang kapatid kahit minsan ay pasaway umano ito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binigyang-linaw ng mga kapatid ni Mahal na sina Jason at Lani ang mga bali-balitang sinisisi nila si Mygz Molino sa pagkawala ng kanilang kapatid. Bagkus, nagpapasalamat silang naging masaya ang kanilang Ate Mahal noong buhay pa ito kasama si Mygz.
Sa isang video ng panayam ng kolumnista at writer na si Benny Andaya sa magkapatid, pinasalamatan nila si Mygz dahil sa pagpapasensiya at pag-unawa nito sa kapatid nila na minsan ay may pagkapasaway di daw.
Pinasalamatan ni Lani si Mygz na kahit sa huling buhay nito ay inalagaan at hindi niya iniwan si Mahal.
Nang tanungin kung pabor ba daw silang sakaling nagkatuluyan sina Mahal at Mygz, hindi umano sila hahadlang kung saan magiging masaya ang kanilang kapatid.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naibahagi din nilang walang consent ang naganap na kasal ng kanilang kapatid noon. Hindi umano iyon valid dahil sa kalagayan ni Mahal ay dapat ipinaalam sa pamilya nila.
Matatandaang kasunod ng balitang pumanaw na ang komedyante ay ang paglabas ng balitang sinisisi umano ng mga kapatid ni Mahal si Mygz sa nangyari sa kanilang kapatid.
Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.
Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh