Habilin ni Mahal kay Mura, muling binalikan ng mga netizens

Habilin ni Mahal kay Mura, muling binalikan ng mga netizens

- Sa isa sa mga huling video ni Mahal na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel, pinuntahan nila ni Mygz Molino si Mura

- Dito ay nag-abot sila ng tulong pinansiyal at mga grocery items para sa kaibigang kasalukuyang naninirahan sa kanilang probinsiya

- Sa kanyang mensahe para kay Mura, sinabi ni Mahal na pupunta at papasyal pa rin siya sa kaibigan

- Aniya, mawala man siya sa mundo, nakapagbigay naman siya ng konting tulong sa kanyang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Emosyonal si Mura dahil aniya ay naantig siya na pinuntahan siya ng kaibigang si Mahal kahit malayo ang kanilang lugar. Ani Mahal, kahit tumanda siya pupuntahan niya pa rin ang kaibigan at papasyalan.

Habilin ni Mahal kay Mura, muling binalikan ng mga netizens
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Aniya, mawala man siya sa mundo, nakatulong siya sa kanyang kaibigan. Sasagutin din umano nito ang pagpapa-therapy ni Mura para muli siyang makalakad nang maayos at makatanggap na ng mga raket sa showbiz.

Read also

Ethel Booba, sumama ang loob na hindi man lang sinilip ni Madam Inutz

Tila naman kinilabutan ang ilang netizens sa habilin na ito ni Mahal para sa kaibigan:

Thank u mahal sa pagpapasaya sa amin, parang nag premonition ka na dito kay mura, nagpaalam k n sa kanya.. condolence po sa family

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para talagang nanghabilin si Mahal sa video na ito. Like sabi nya pag sya nawala sa mundong ito meron parin syang tulong kay Mura. Now inulit ko ang vlog na to nang malaman kung patay na si Mahal..daming niyang sinabi na parang namamaalam siya
RIP MAHAL napakabuti mong kaibigan.. Kaya pala may pahiwatig kana dito na kapag nawala ka sa Mundo atleast nakatulong ka sa kaibigan mo Rest in Peace MAHAL salamat sa Masasayang tawanan

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel