Aiko Melendez, makulit na nakipagsabayan na mag-hula hoop kasama si Gladys Reyes

Aiko Melendez, makulit na nakipagsabayan na mag-hula hoop kasama si Gladys Reyes

- Game na game si Aiko Melendez na nag-hula hoop kasama ang kaibigang si Gladys Reyes

- Ito ay matapos nilang mapag-usapan ang kakaibang trip ni Gladys kung saan kumakanta habang naghu-hula hoop

- Kwento pa ni Gladys ang kanyang inang 67-anyos ang naka-inspire sa kanya ng hula-hoop

- At dahil sa mahilig din siyang mag-videoke, naisipan niyang sabayan ng pagbirit ang kanyang pagpapapawis gamit ang hula-hoop

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tuwang-tuwa si Aiko Melendez nang subukan niyang mag-hula-hoop kasama ang kanyang kaibigan na si Gladys Reyes.

Nalaman ng KAMI na madalas kasi itong gawin ng Gladys lalo na tuwing siya ay nai-stress sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Ang ikinagulat pa ni Aiko, nagagawa ni Gladys na mag-hula hoop habang kumakanta.

Aiko Melendez, makulit na nakipagsabayan na ng mag-hula hoop kasama si Gladys Reyes
Aiko Melendez kasama si Gladys Reyes (Screengrab from Aiko Melendez YouTube channel)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng panawagan ni Jam Magno sa PAO, usap-usapan sa social media

Kwento pa ng orinal 'Mara Clara' actress, ang mommy niya na 67 years old ang naka-inspire sa kanya na mag-hula hoop.

"Una, kasi mahilig kasi talaga akong mag-videoke. Ever since, wala akong pakialam sa mga kapitbahay namin. Talagang pag-trip kong mag-videoke, pagpasensyahan nila boses ko. Mga Celine Dion... Wala akong pake. Kasi feeling ko 'yun yung outlet ko."
"Minsan ako lang 'yung kumakanta mama ko 'yung naghu-hula hoop. Ta's one time sabi ko pa-try nga ma kung marunong pa ako... Pinaikot ko sa bewang ko, ah! marunong pa pala ako sabay kinantahan ko"

Aminado si Gladys na hindi ito madali sa una hanggang nasanay na siya. Ito na rin ang naging ehersisyo niya gayung maganda rin ito sa pangangatawan.

Kaya naman agad na nagpaturo si Aiko sa kanyang kaibigan. At agad naman itong natuto habang binibigyan siya ni Gladys ng mga tips upang mas mapatagal ang pag-ikot.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Aiko Melendez YouTube channel:

Read also

Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang hirit matapos magpa-shoutout ang ilang netizens

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Kamakailan, agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit kalahating milyon na mga subscribers.

Nito lamang Hulyo, naibahagi rin niya sa kanyang YouTube channel ang masayang kulitan nila nina Gelli De Belen at Carmina Villaroel na pawang malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel