Aiko Melendez sa kili-kili nina Carmina at Gelli: "Pareho ba kayo ng deodorant?"

Aiko Melendez sa kili-kili nina Carmina at Gelli: "Pareho ba kayo ng deodorant?"

- Hindi umurong si Aiko Melendez sa dare sa kanya na amuyin ang kili-kili ng kanyang mga kaibigang sina Carmina Villarroel at Gelli De Belen

- Kasama ito sa kulitan na ginawa nila sa pinakabagong vlog ni Aiko Melendez

- Sa dare, kailangang ihalintulad ni Aiko ang kili-kili ng kanyang mga kaibigan sa isang putahe

- Tinanong pa ni Aiko kung pareho raw ba ang deodorant nina Gelli at Carmina na tila pareho ang amoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang makulit na bonding ang ginawa nina Aiko Melendez, Carmina Villaroel, at Gelli De Belen.

Sa pinakabagong vlog ni Aiko sa kanyang YouTube channel, naglaro ang tatlo at hindi umurong sa mga dare at prank na ipinagawa sa kanila.

Isa na rito ang hamon kay Aiko na amuyin ang kili-kili ng dalawang kasama at kailangang ihalintulad niya umano ito sa isang putahe.

Read also

Carmina Villarroel, na-prank si Janno Gibbs dahil sa makulit na dare nina Aiko at Gelli

Aiko Melendez sa kili-kili nina Carmina at Gelli: "Pareho ba kayo ng deodorant?"
Aiko Melendez kasama sina Carmina Villaroel at Gelli De Belen (Photo: Screengrab from Aiko Melendez)
Source: UGC

Una niyang binigyang ng komento ang kili-kili ni Carmina na sinabi niya agad na amoy baby raw ito.

"Pareho ba kayo ng deodorant?" tanong ni Aiko gayung tila pareho raw ang amoy ng kili-kili ng dalawa niyang malapit na kaibigan sa showbiz.

Ngunit bilang pagbibigay linaw, hidi raw putahe ang amoy ng kili-kili ni Gelli na parang tubig lang.

At dahil parang baby ang kili-kili ni Carmina, inihalintulad niya ito sa isang diaper. "'Yung malinis na diaper," paglilinaw nito.

Kapansin-pansin ang closeness ng tatlo na walang kiyeme sa mga pinagawa sa kanila.

Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa Aiko Melendez YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supprting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Read also

Carmina Villaroel, nagpa-picture sa di niya kilalang customer sa coffee shop

Kamakailan, agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit kalahating milyon na mga subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel