Carmina Villaroel, nagpa-picture sa di niya kilalang customer sa coffee shop

Carmina Villaroel, nagpa-picture sa di niya kilalang customer sa coffee shop

- Nagulat ang isang customer nang lapitan siya ni Carmina Villaroel para magpa-picture

- Kaya naman, nang tanungin siya ni Carmina kung pwede ba daw siyang magpa-picture, natanong niya ito kaagad kung seryoso ito na siya pa ang magpapa-picture

- Nagtaka naman ang aktres kung paano siya nakilala nito gayong nakasuot siya ng face mask

- Ito ay ginawa ni Carmina dahil sa kanyang nabunot na dare sa game na ginawa nila kasama ang mga kaibigang sina Aiko Melendez at Gelli de Bellen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulat ang isang customer sa isang coffee shop matapos siyang lapitan ng aktres na si Carmina Villaroel at tinanong siya kung maari ba daw siyang magpa-picture sa kanya.

Carmina Villaroel, nagpa-picture sa di niya kilalang customer sa coffee shop
Carmina Villaroel-Legaspi (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Tila hindi pa ito makapaniwala na si Carmina pa mismo ang magpapa-picture sa kanya at tinanong niya kung seryoso itong siya pa ang magpapa-picture.

Read also

Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

Ginawa ito ni Carmina matapos niyang mabunot ang dare na kailangan niyang maghanap ng customer sa coffee shop kung saan sila naroroon ng kanyang mga kaibigang sina Aiko Melendez at Gelli de Bellen.

Marami naman sa mga netizens ang napa-sana all sa experience ng customer na nakapag-papicture kasama si Carmina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zooren Legaspi.

Pinasok na rin ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy ang showbiz. Katunayan, kamakailan lamang ay nakitang naiyak talaga si Carmina nang magpaalam ang anak na si Mavy na magtutungo sa kanyang lock-in taping. Hindi mapigilang maging emosyonal ng ina na mawawalay pansumandali sa kanyang anak.

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa sagot niya sa viral na post ni Maris Racal

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel