Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang hirit matapos magpa-shoutout ang ilang netizens

Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang hirit matapos magpa-shoutout ang ilang netizens

- Sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan, hindi kinalimutan ni Madam Inutz ang mga taong naging dahilan ng kanyang tagumpay

- Sa kanyang mga live video ay patuloy pa rin ang kanyang pagbati at pag-shout out sa mga netizens na nais magpabati

- Kinagiliwan naman ang isang eksena sa kanyang photoshoot kung saan nakasuot siya ng puti at humiga sa kabaong

- Pabirong binanggit ni Madam Inuitz na ibuburol na lang siya ay nagpapa-shout out pa ang kanyang viewers

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tuloy-tuloy at mabilis ang pag-usad ng karera ni Madam Inutz sa ilang araw pa lamang simula nang pumirma siya ng kontrata kay Wilbert Tolentino bilang talent manager nito.

Muling kinaaliwan ang isang bahagi ng kanyang live video kung saan nasa photo shoot siya at inihiga sa kabaong.

Madam Inutz, kinaaliwan sa kanyang hirit matapos magpa-shoutout ang ilang netizens
Wilbert Tolentino and Daisy Lopez (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Bilang nakasanayan ng kanyang mga viewers sa kanyang live selling na nagpapabati, nagpapamura at nagpapa-shoutout, ilang netizens ang nagpabati din sa kanya habang ginagawa ang photoshoot.

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Pabiro silang sinabihan ni madam Inutz na ibuburol na lang siya ay may magpapa-shoutout pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Madami naman ang nagpahayag ng kanilang pagiging masaya para sa viral na online seller. Narito ang reaksiyon ng ilang fans niya:

Good vibes ako lagi pg nppnood kita wla stress k s trbho at npapa twa m tlga ako kc prangka at totoong Tao ka po hnd k plastic... KY pg ptuloy nyo lng po ang pgiging down to earth more blessing to come po.
Kaloka ka madam, parang sarap na sarap ka pang humiga dyan ah.
Buti nalang nakinig ka madam sa sigaw ng mga fans mo at isa na ako don tingnan mo ang daming blessings kaagad ang dumating congrats madam inutz

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel