Cong. Toto Mangudadatu, sinabing hindi kailanman naging kalaguyo si Sharifa Akeel

Cong. Toto Mangudadatu, sinabing hindi kailanman naging kalaguyo si Sharifa Akeel

- Sa isang video ay nagsalita ang ngayon ay mag-asawa na sina Cong. Esmael "Toto" Mangudadatu at Sharifa Akeel

- Dito ay ikinuwento nila ang kwento ng kanilang pag-iibigan kasunod ng mga reaksiyon sa kanilang pagpapakasal

- Isa umano sa kanyang nakita kay Sharifa ay hindi ito bumitiw sa kabila ng hirap na dinanas niya at hindi nito tinitingnan ang kanyang katayuan sa buhay

- Diretsahan din niyang sinabing hindi kailanman niya naging kalaguyo si Shareefa kagaya ng mga paratang sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang video na ibinahagi ng mag-asawang Cong. Esmael "Toto" Mangudadatu at Sharifa Akeel, ikinuwento nila ang naging simula ng kanilang pag-iibigan.

Ayon kay Sharifa, hindi niya inasahang hahantong sila sa pagiging magkasintahan at pagpapakasal ni Cong. Toto.

Cong. Toto Mangudadatu, sinabing hindi kailanman naging kalaguyo si Sharifa Akeel
Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel (@sharifaakeel)
Source: Instagram

Ilang beses na umanong inalok ng kasal ng congressman si Sharifa ngunit ilang beses din daw ito tinanggihan.

Read also

Janus Del Prado, hanga sa kaibigang kailanma'y di siniraan ang tinatawag niyang 'G'

Ayon sa beauty queen hindi pa siya handa. Pumayag naman siya sa inalok na friendship ni Cong. Toto at napapayag umano siyang makipagkita sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakita umano ng beauty queen ang magagandang ugali at katangina ni Cong. Toto nang kumain sila sa unang pagkakataon sa isang simpleng restaurant.

Isa umano sa kanyang nakita kay Sharifa ay hindi ito bumitiw sa kabila ng hirap na dinanas niya at hindi nito tinitingnan ang kanyang katayuan sa buhay. Diretsahan din niyang sinabing hindi kailanman niya naging kalaguyo si Shareefa kagaya ng mga paratang sa kanya.

Si Sharifa Akeel ay isinilang sa Lebak, Sultan Kudarat at may dugong Qatari at Filipino. Siya ang napili mula sa 50 kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2018 bilang Mutya ng Pilipinas — Asia Pacific International 2018.

Read also

Dhemy Seron, nag-post ng "bad liar" kasunod ng naging pahayag ni Kiko Estrada

Kinoronahan siya bilang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila noong October 4, 2018. Siya ang ikalimang Pinay na nakasungkit ng korona sa Miss Asia Pacific International.

Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Sharifa matapos siyang akusahan bilang kalaguyo ng isang politiko. Agad namang tinuldukan ng beauty queen ang nasabing isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel