Onyok Velasco, kasabay ang mga Tokyo Olympic medalists na pinarangalan ng Malacañang

Onyok Velasco, kasabay ang mga Tokyo Olympic medalists na pinarangalan ng Malacañang

- Kasama ang 1996 Summer Olympics silver medalist sa boxing na si Onyok Velasco sa 2020 Tokyo Olympic medalist na pinarangalan ng Malacañang

- Ginawaran siya ng 'Ordenang Lapu-Lapu, ranggong Kamagi' ng Palasyo dahil sa pagkapanalo niya ng silver medal, 25 taon na ang nakalilipas

- Bukod dito, tatanggap din siya ng cash incentive na nagkakahalaga ng Php500,000

- Matatandaang naging matunog ang hindi pa buong insentibong natanggap ni Onyok matapos ang sunod-sunod na mga regalo at pledges sa mga bagong medalist ng 2020 Tokyo Olympics

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinilala at binigyang parangal ng Malacañang ang apat na mga atletang nag-uwi ng ginto at silver na mga medalya mula sa Tokyo 2020 Olympics na kinabibilangan nina Nesthy Petesio, Carlo Paalam, Eumir Marcial at Hidilyn Diaz.

Nalaman ng KAMI na isinabay na rin dito ang pagpaparangal at pagbibigay insentibo kay 1996 Summer Olympics silver medalist sa larangan ng boxing na si Mansueto "Onyok" Velasco Jr.

Read also

Mayor Isko Moreno, inspirasyon ang sariling karanasan sa housing projects sa Maynila

Onyok Velasco, kasabay ang mga Tokyo Olympic medalists na pinarangalan ng Malacañang
Mansueto "Onyok" Velasco Jr. (Photo credit: @onyokvelasco)
Source: Instagram

Iginawad kay Onyok ang "Ordenang Lapu-Lapu, ranggong Kamagi" na ibinibigay sa kawani ng pamahalaan o maging mga pribadong indibidwal na nagkaloob ng kahanga-hangang paglilingkod o nagpamalas ng katangi-tanging ambag sa ikatatagumpay ng gawain alinsunod sa pagpapalawig ng adbokasiya ng pangulo ng bansa.

Bukod pa rito, makatatanggap din ng Php500,000 na incentive si Onyok sa pag-uuwi niya ng silver medal mula sa Olympics, 25 taon na ang nakararaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng seremonya na ibinahagi rin ng GMA News:

Si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. ay isang retiradong Filipino boxer. Taong 1994 nang makuha niya ang gold medal sa Asian Games. Matapos namang masungkit ang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula sa 64 na taong paghihintay ng Pilipinas, mas pinili na ni Onyok na pasukin ang showbiz kung saan naging isa siyang komedyante.

Read also

Sharifa Akeel, nilimitahan ang komento sa IG post nya kasunod ng paglabas ng balitang pagpapakasal

Matatandaang naging matunog kamakailan ang hindi pa buong insentibo na natanggap ni Onyok mula sa pamahalaan matapos ang sunod-sunod naman na pledges ng mga indibidwal para sa apat na atletang nagbigay din ng karangalan sa bansa sa pag-uwi ng medalya mula sa Tokyo 2020 Olympics.

Dumulog din sa programa ni Raffy Tulfo si Onyok matapos na mabangga ang kanyang sasakyan at magkaproblema umano sa insurance. Sa naturang paglapit ni Onyok kay Tulfo, nagpahayag din ng respeto at paghanga si Tulfo kay Onyok at sinabing isa pa siya sa mga nag-cover ng laban nito noong siya pa ay reporter ng PTV4.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica