Wilbert Tolentino, nakapag-close na ng mahigit 4 milyon na project para kay Madam Inutz

Wilbert Tolentino, nakapag-close na ng mahigit 4 milyon na project para kay Madam Inutz

- Sa kanyang live video ay binanggit ni Wilbert Tolentino ang tungkol sa naging kontrata nila ni Madam Inutz at ang kanyang kagustuhang matulungan ito

- Sa loob ng walong araw simula nang pumirma ito ng kontrata sa kanya bilang manager niya, nakapag-close na si Wilbert ng mahigit 4 milyon na project para sa viral na online seller

-Bukod sa kanyang kantang nakatakda nilang ilabas, may ilang mga endorsement pa si madam Inutz

- Matatandaang naging usap-usapan sila dahil sa kontrobersiyal na TikTok video ni Ethel Booba kamakailan kasama ang kanyang mga kaibigan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Facebook live ay sinubukang sagutin ni Wilbert Tolentino ang mga akusasyon ng ibang netizen na ginagamit lang nito si Madam Inutz. Mismong si Ogie Diaz na isa ding manager ay nakapagsabi na maganda ang pagma-manage ni Wilbert kay Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, binigyan ng CP ng manager: "New iPhone 12 Promac, ay Pro max pala!"

Wilbert Tolentino, nakapag-close na ng mahigit 4 milyon na project para kay Madam Inutz
Wilbert Tolentino and Daisy Lopez (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Nabanggit din nito na sa loob ng walong araw simula nang pumirma si Madam Inutz sa kanya ng kontrata, nakapagclose siya ng projects para sa alaga na umabot na sa halos 4.5 milyon.

Bukod dito ay inaabangan din ng mga tagasuporta at tagahanga ni Madam Inutz ang nakatakdang ilabas na awitin na inirecord ng viral na online seller.

Matatandaang naging usap-usapan sila dahil sa kontrobersiyal na TikTok video ni Ethel Booba kamakailan kasama ang kanyang mga kaibigan na si Boobsie Wonderland.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Read also

Madam Inutz, todo alaga ng kanyang manager; "Pati mga benefits ko inasikaso niyo sir Wilbert"

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate