Madam Inutz, sumabak na sa kauna-unahang photoshoot niya

Madam Inutz, sumabak na sa kauna-unahang photoshoot niya

- Umani ng mga positibong reaksiyon ang lumabas na mga picture ni Madam Inutz na kuha sa kanyang kauna-unahang photoshoot

- Matatandaang nauna nang sinabi ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na magkakaroon siya ng photoshoot bilang panimula sa kanyang career

- Marami sa mga netizens ang namangha sa malaking pagbabago at transformation ni Madam Inutz

- Kasunod nga ng kanyang pagsikat sa social media ay naging sunod-sunod ang mga biyayang dumating sa sikat na online seller

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patok na patok sa mga netizens ang transformation ni Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz sa mga pictures niya na kuha sa kanyang unang photoshoot.

Marami ang namangha at lalong lumitaw ang kagandahan nito at nasabi pa ng ilan na pwedeng-pwede siyang mag-artista.

Madam Inutz, sumabak na sa kauna-unahang photoshoot niya
Wilbert Tolentino and Daisy Lopez (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Matatandaang nabanggit ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang tungkol sa kanyang photoshoot nang magkasama sila sa pirmahan ng kontrata kamakailan.

Read also

Aiko Melendez, muling naging usap-usapan sa kanyang pasabog na hairstyle

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga fans ni Madam Inutz:

Akalain mu pumunta kapa ng japan ngkipagsapalaran kapa kung san san..dto lang dn sa pinas ang swerte mu...mg artista ka rin more blessing madam inuts...God bless you more
Pang Miss U ang Datingan oh. !. Pak Ganern ! Hehe. Ganda Yarn ?. Goodluck sa Career Mo Madam Inutz.
Oh dbaaaah! Hahaha sobrang ganda mo madam inuts.. Kamukha mo sa solem, ruffa mae quinto, JLO, and beyonce.

Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Read also

Madam Inutz, nakatakda nang mag-record ng kanyang unang album

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel