Pokwang, mahusay na nag-sample ng pagbabalita gamit ang 'Japanese Language'

Pokwang, mahusay na nag-sample ng pagbabalita gamit ang 'Japanese Language'

- Pinag-sample ni Pia Arcangel ng 'Tunay na Buhay' si Pokwang ng pagbabalita gamit ang 'Nihongo' o Japanese Language

- Bukod sa nakakapagsalita nito si Pokwang, nakakasulat din siya gamit ang nasabing wika

- Ito ay dahil sa ilang taon niyang pamamalagi sa Japan kung saan naging entertainer at choreographer siya

- Naibahagi rin niya sa nasabing programa ang mga napagdaanan niya sa buhay bago siya maging matagumpay sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Game na game na nagbigay ng sample si Pokwang kung paano siya magsalita ng 'Nihongo.'

Nalaman ng KAMI na naibahagi niya ito sa programang 'Tunay na Buhay' ni Pia Arcangel ng GMA.

Isa sa napag-usapan nila ay ang pamamalagi ni Pokwang sa Japan ng ilang taon kung saan naging isa siyang entertainer, singer at choreographer.

Pokwang, mahusay nag-sample ng pagbabalita gamit ang 'Japanese Language'
Pokwang (Photo from @ itspokwang27)
Source: Instagram

Kwento ni Pokwang, talagang nag-aral din siya ng mga Japanese songs para maka-duet at makapagsabayan sa kanilang mga bisita.

Read also

Vlogger na si Jose Hallorina, sinabing namatay raw na homeless ang lola ni Donnalyn Bartolome

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, naging bihasa na rin siya sa pagsasalita ng Japanese Language o Nihongo.

Kaya naman nang hingan siya ng sample ni Pia, kung saan magbabalita si Pokwang gamit ang nasabing wika, hindi niya ito binigo.

Bukod sa pagsasalita ng Nihongo, kaya rin ni Pokwang na magsulat gamit ang wikang ito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Public Affairs:

Si Pokwang na ang tunay na pangalan ay Marietta Subong ay isang Filipino comedian, actress, television host at singer. Nagsimula sa showbiz si Pokwang sa ABS-CBN at kamakailan lamang ay naging isa na rin siyang Kapuso.

Marami ang humahanga kay Pokwang dahil sa hayagan niyang ibinabahagi ang kanyang mga napagdaanang hirap sa buhay . Ito raw ang nagtulak umano siya sa kanya para mangibang-bansa. Wala ring ibang hangad si Pokwang kundi ang matulungan ang kanyang pamilya.

Read also

Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

Kamakailan, pinabulaanan niya ang umano'y kumalat na fake news at nagsasabing hiwalay na sila ng kanyang partner na is Lee O'Brian. Sa kanyang mga social media post, makikita kung gaano sila kasaya kasama ang kanilang anak na si Malia.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica