Viral food supplier sa Cebu, kinumpirmang tila naging tourist spot na ang bahay ng customer
- Kinumpirma ng Cebu food supplier na si Marjorie Abastas na nagmistulang tourist spot na ang bahay ng naging customer niyang si Maria May Hofileña
- Buhat nang mag-viral ang naging kontrobersiya nila ng customer, marami ang dumaraan at kumukuha ng larawan sa may bahay nito
- Gayunpaman, kinumpirma na rin ni Marjorie sa programa ni Raffy Tulfo na nagkaaayos na sila ni Maria May
- Natuwa rin si Tulfo na nagkaayos na ang dalawa at hindi na nauwi pa sa demandahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbigay ng update si ang nag-viral na food supplier ng Cebu na si Marjorie Abastas kay Raffy Tulfo.
Nalaman ng KAMI na nagkaayos na si Marjorie at ang nakaalitang customer nito na si Maria May Hofileña dahil sa hindi raw nito pagbabayad noon ng balanse ng order nitong lechon package.
Sa ikalawang paghaharap nila sa barangay, nagkapatawaran na raw silang dalawa at inamin na ni Maria ang kanyang naging pagkakamali kay Marjorie. Binayaran na rin daw nito ang balanse at nagkapirmahan na na hindi na magsasampahan na ng kaso sa isa't isa.
Bukod pa rito, kinumpirma rin ni Marjorie na tila naging tourist spot na sa Cebu ang bahay ni Mari May.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kwento niya kay Tulfo marami ang mga napapadaan doon ang nagse-selfie sa may bahay ni Maria na may caption na "Taga-Cebu ka kung alam mo kung saang lugar ito."
Samantala, natuwa naman si Tulfo nang malaman ang magandang balita ni Marjorie.
Matatandaan kasi na inabot pa ng part 4 ang insidenteng ito na idinulog sa kanya buhat nang mag-viral ang video.
PInaghahandaan na rin sana ng programa ang demandang maaring isampa sa customer. Ngunit ang lahat ng ito ay nauwi sa maayos na usapan at patawaran.
Nagpasalamat din si Tulfo kay Maria May sa kooperasyon nito sa insidente nila ni Marjorie at nadaan pa ito sa maayos at payapang paraan.
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh