Mommy Pinty Gonzaga, nag-ala Coney Reyes sa '4 sisters and a wedding' parody

Mommy Pinty Gonzaga, nag-ala Coney Reyes sa '4 sisters and a wedding' parody

- Napasabak sa pag-arte si Mommy Pinty Gonzaga sa parody ng '4 sisters and a wedding'

- Mapapanood ito sa YouTube channel ni Alex Gonzaga kung saan gumanap naman siya bilang ang karakter ni Toni Gonzaga sa orihinal na pelikula

- Kasama ni Alex ang iba pang mga YouTube Stars na sina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Michelle Dy

- Maging sina Toni Gonzaga at Angel Locsin na mga original cast ng sikat na Pinoy film ay may cameo appearance din

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang natuwa nang mapanood si Mommy Pinty Gonzaga na nagpakita ng kanyang acting skills sa parody ng '4 sisters and a wedding.'

Ipinalabas ito sa YouTube channel ni Alex Gonzaga na gumanap naman sa karakter ni Toni Gonzaga sa orihinal na pelikula.

May pamagat ang parody na '4 sisters and a welding.' Kasama rin ni Alex ang iba pang mga YouTuber na sina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Michelle Dy.

Read also

Alex Gonzaga, gumawa ng parody ng '4 sisters and a wedding' kasama ang ilang YouTube stars

Mommy Pinty Gonzaga, nag-ala Coney Reyes sa '4 sisters and a wedding' parody
Sina Mommy Pinty ay Uncle Jojo sa '4 sisters and a welding' (Photo: Screengrab from Alex Gonzaga YouTube channel)
Source: UGC

Gumanap si Mommy Pinty bilang si Coney Reyes sa orihinal na pelikula. Maging ang Uncle Jojo nina Toni at Alex ay kasama rin sa parody.

Game na game si Mommy Pinty sa pag-arte kaya naman ayon sa mga netizens, nakita na nila kung kanino nagmana ang dalawa niyang mga anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mommy Pinty, nakaka-proud ka po! ginulat mo kami sa aktingan ha!"
"Ganito ka-supportive si Mommy Pinty sa kanyang mga daughters. Go Mommy Pinty"
"Ang arrival talaga ni Mommy Pinty ang nagdala. Nakakatuwa po kayo"
"So guys alam niyo na kung kanino nagmana sina si Toni at Alex?"
"Ang kulit lang pati si Mommy Pinty napasabak sa aktingan. Lakas po ni Alex sa'yo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Catherine Gonzaga o mas kilala bilang si 'Alex Gonzaga' ay isang Filipina actress, TV Host, entrepreneur at comedienne sa bansa. Siya ang nag-iisang kapatid ng isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ikinasal si Alex kay Mikee Morada.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Kamakailan, pumalo na sa 1 billion ang views ng mga videos ni Alex sa kanyang YouTube channel. 11 million naman ang bilang ng kanyang subscribers.

Isa sa mga natulungan din niyang YouTuber ay si Herlene "Hipon Girl" Budol na pinasalamatan siya dahil siya ang sinasabing dahilan nito ng pagkakaroon ng isang milyon na subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel