Alex Gonzaga, gumawa ng parody ng '4 sisters and a wedding' kasama ang ilang YouTube stars

Alex Gonzaga, gumawa ng parody ng '4 sisters and a wedding' kasama ang ilang YouTube stars

- Usap-usapan ngayon ang nakakatuwang parody ng '4 sisters and a wedding' na ginawa ni Alex Gonzaga

- Sa kanyang YouTube channel, napasabak sa pag-arte ang iba pang mga YouTuber na sina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Michelle Dy

- Maging ang kanyang ina na si Mommy Pinty ay game na game na gumanap bilang si Coney Reyes

-Nag-cameo rin ang orihinal na cast na si Toni Gonzaga gayundin si Angel Locsin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang maraming netizens sa parody ng '4 sisters and a wedding' na ipinalabas sa YouTube channel ni Alex Gonzaga.

Sa pagdiriwang niya ng ikaapat na taong anibersaryo bilang isang vlogger, nakasama niya ang kilalang mga YouTuber na sina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Michelle Dy.

Talagang sumabay sa kakulitan ni Alex ang tatlo sa short clip nilang may pamagat na ''4 sisters and a welding.'

Read also

Hidilyn Diaz, todo ang suporta kay Eumir Marcial; "Go for gold!"

Alex Gonzaga, gumawa ng parody ng '4 sisters and a wedding' kasama ang ilang YouTube stars
Sina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at Michelle Dy (Photo credit: @alexgonzaga)
Source: Instagram

Napasabak din sa pag-arte ang mommy ni Alex na si Mommy Pinty bilang si Coney Reyes sa orihinal na pelikula. Gayundin ang kanilang Tito Jojo na nasa tabi lamang ni Mommy Pinty.

Naka-eksena niya ang orihinal na cast na si Toni Gonzaga na ginawa ang kanyang famous lines sa pelikula.

Nagkaroon din ng cameo appearance si Angel Locsin na bahagi ng original cast. Maging ang partner ni Zeinab na si Skusta Clee ay mapapanood din sa parody.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Catherine o mas kilala bilang si 'Alex Gonzaga' ay isang Filipina actress, TV Host, entrepreneur at comedienne sa bansa. Siya ang nag-iisang kapatid ng isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ikinasal si Alex kay Mikee Morada.

Kamakailan, pumalo na sa 1 billion ang views ng mga videos ni Alex sa kanyang YouTube channel. 11 million naman ang bilang ng kanyang subscribers.

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Isa sa mga natulungan din niyang YouTuber ay si Herlene "Hipon Girl" Budol na pinasalamatan siya dahil siya ang sinasabing dahilan nito ng pagkakaroon ng isang milyon na subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel