Dating PBB housemate na si Nicole Uysiuseng, buntis na sa panganay na anak

Dating PBB housemate na si Nicole Uysiuseng, buntis na sa panganay na anak

- Masayang ibinahagi ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Nicole Uysiuseng ang tungkol sa kanyang pagdadalantao

- 19 weeks na ang kanyang pinagbubuntis na panganay na anak nila ng kanyang asawang si Silas del Prado

- Marami ang sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagbati para sa mag-asawa

- Si Nikki ay tinanghal na 2nd Big Placer of “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Nicole Uysiuseng ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, July 22, ibinahagi niyang 19 weeks na siyang buntis sa panganay na anak nila ng asawa niyang si Silas del Prado.

Dating PBB husemate na si Nicole Uysiuseng, buntis na sa panganay na anak
Nikki Uysiuseng (@nikkiudelp)
Source: Instagram
It's been awhile.. So here's a photo dump of the past 4 months.
"Behold, children are a heritage from the Lord, the fruit of the womb a reward."Psalm 127:3

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang video ng pagpapabunot niya ng uban kay Ellen Adarna

We're having a baby! #19weeks

Matatandaang ikinasal si Nicole sa kanyang longtime boyfriend noong taong 2019. Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib noong May 9, 2019 sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City. Naganap naman ang kanilang engagement noong October ng taong 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show sa sa Pilipinas kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Ilan sa mga sikat na mga big winner sa nasabing reality show ay sina Kim Chiu, Melai Cantiveros at Maymay Entrata.

Read also

Kisses Delavin, may pa-sample ng kanyang pagrampa para sa MUP 2021

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel