Melai Cantiveros, isinama si Momshie Carla Estrada sa bahay na kinalakhan niya sa Bohol

Melai Cantiveros, isinama si Momshie Carla Estrada sa bahay na kinalakhan niya sa Bohol

- Ipinakita ni Melai Cantiveros kay Carla Estrada ang ancestral house nila sa Bohol

- Kinuwento ni Melai kay Carla ang iba't-ibang karanasan niya roon

- Kumpara sa ibang nipa houses, malaki at maaliwalas tingnan ang kinalakhang bahay ni Melai

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalikan ni Melai Cantiveros ang kanyang ancestral house kasama si Carla Estrada sa Bohol.

Nalaman ng KAMI na ang Pinoy Big Brother 2009 grand winner ay pinalaki sa isang simpleng pamumuhay pag naroon siya sa Bohol.

Kaya naman nang balikan niya ang kinalakihang bahay sa Bohol, napakarami niyang kwento na naibahagi kay Momshie Carla.

Pinakita niya ang malawak nilang sala kung saan sila nagsi-siesta. Ayon kay Melai, dun sila pinapa-pwesto para makita sila ng kanyang lola kung saan sila pupunta.

Sunod na pinakita ni Melai ang kanyang dating kwarto na may malawak na bintana.

“Alam mo ang ganda ng bintana na ‘to kasi diyan ako umaalis," kwento ni Melai.

Pansin ni Momshie Carla na bagaman at simpleng bahay na nipa ang ancestral house nina Melai, may kalakihan na ito.

Nahaluan na rin ito ng modernong gamit gaya ng ref at TV at maging ang bubong nito ay yari na sa bakal dahil ayon sa lola ni Melai, wala na raw umaakyat at nag-aayos ng nipa ngayon.

Pinakita rin ni Melai ang parte ng bahay nilang tinatawag na abuhan, o dirty kitchen kung saan sila nagluluto at kumakain na rin kung kaunti lamang silang taong kakain.

Tinanaw lamang ito ni Momshie Carla, sa takot na baka di siya kayanin ng papag na sahig ng abuhan.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube ng Magandang Buhay.

Kitang kita na tuwang tuwa si Melai na balikan ang simpleng bahay ng kanyang lola na puno ng alaala ng kanyang kabataan.

Nagkaroon tuloy ng simpleng get together ang maalapit sa puso ni Melai sa Bohol.

This prank will make your day! BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel