Michelle Banaag sa pagkukulang niya kina Super Tekla: "Masakit din para sa akin"

Michelle Banaag sa pagkukulang niya kina Super Tekla: "Masakit din para sa akin"

- Nagpaunlak ng panayam si Michelle Banaag sa 'Donekla in Tandem' halos isang taon matapos ang kontrobersyal nilang paghihiwalay ni Tekla

- Bukod sa paghingi niya ng tawad sa publiko sa iskandalong nagawa, inamin din niya ang pagkukulang niya sa kanyang mag-ama

- Three months na nang makumpirma niyang nagdadalang-tao siya kay Angelo

- Subalit, inamin niyang nang mga panahong iyon, tuloy pa rin ang kanyang bisyo at hindi rin siya agad na nakapagpa-check up

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas ang halos isang taon mula nang pumutok ang kontrobersiya ni Super Tekla, nagpaunlak ng panayam ang kanyang dating kinakasama na si Michelle Banaag.

Nalaman ng KAMI na si Donita Nose ang nag-interview kay Michelle gayung alam ng marami na masama rin ang loob nito noon sa ex-partner ng kanyang kaibigang si Tekla.

Subalit sa naturang interview rin, ipinaunawa nila sa publiko ang nangyari na bagaman at hindi talaga gusto umano ni Donita si Michelle para kay Super Tekla noon, nakita naman na niya ang malaking pagbabago nito ngayon.

Read also

Super Tekla, napamura matapos makita ang sasakyan niya; na-prank ni Donita Nose

Michelle Banaag, aminadong may pagkukulang bilang ina sa anak nila ni Super Tekla
Sina Super Tekla at Donita Nose (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Isa rin sa kanilang napag-usapan ay ang kalagayan ng anak nila ni Tekla na si Baby Angelo.

Tila hindi raw maiwasan ni Michelle na sisihin ang sarili sa karamdaman ng kanyang anak na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang gamutan.

Ayon na rin kay Donita na sinang-ayunan naman ni Michelle, iyon marahil ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng problema ang kalusugan ni Baby Angelo.

At labis naman daw itong pinagsisisihan ni Michelle. "Sobra, sobra as in sobra! Masakit. Lalo nakikita ko 'yung mga pamangkin ko na inalagaan ko, sakin lumaki malulusog, matataba, okay normal. Samantalang sarili kong anak, bakit ganon?" emosyonal na pahayag ni Michelle.

Nilinaw naman ni Michelle na ginusto niya ang kanyang pagbubuntis at masaya siya sa pagdating ng kanilang anak ni Tekla.

"Gusto ko, Masaya ako, blessing sakin 'yun eh," ayon kay Michelle subalit aminado siyang hindi niya masyadong naalagaan si Baby Angelo nang kanya itong ipinagbubuntis.

Read also

Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami

Ngunit ngayon, kahit may ilang operasyon pang dadaanan ang kanilang baby Angelo, sinabi nitong bumubuti na ang kalagayan ng anak nila ni Tekla at malaki na ang idinagdag ng timbang nito.

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa Donekla in Tandem YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ay isa sa kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem.

Matapos unang maisa-ere ang panayam ng Donekla in Tandem kay Michelle Banaag, nilinaw na ng dalawang komedyante na hindi nangangahulugang magkakabalikan pa sina Tekla at Michelle.

Ginawa lamang daw nila ang panayam upang mabigyan ng pagkakataong makahingi ng tawad si Michelle sa publiko sa iskandalo umano na nagawa nito.

Read also

Mga bagong complainant, namukhaan ang grupong nakapulot ng CP ng TikTok Star

Oktubre ng nakaraang taon ng gumulantang sa publiko ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Tekla dahil sa pagsusumbong ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag sa programa ni Raffy Tulfo.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel