Jennica Garcia, nilinaw na hindi niya ipagdadamot ang mga anak sa tatay nila

Jennica Garcia, nilinaw na hindi niya ipagdadamot ang mga anak sa tatay nila

- Minabuting linawin ni Jennica Garcia ang mga malisyosong comment kaugnay sa pagpunta nila sa Tanay kasama ang ilang kapamilya nila at ang kanyang mag-aama

- Ito ay matapos magkomento ang ilang netizens na tila nagkabalikan na ang mag-asawa dahil lamang nakita nila ang mga itong magkasama

- Ayon kay Jennica, kahit sinusubukan ni Alwyn na muli silang mabuo, kailangan niya ng panahon para tuluyang mawala ang sakit na kanyang naramdaman

- Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya ipagdadamot sa mga anak nila na makasama ang kanilang Tatay Alwyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti nang linawin ni Jennica Garcia ang mga isyu ng ilang netizens na nag-assume na nagkabalikan na sila ni Alwyn Uytingco matapos makitang naroroon din umano sa Tanay si Alwyn noong naroroon sina Jennica at kanilang mga anak.

Jennica Garcia, nilinaw na hindi niya ipagdadamot ang mga anak sa tatay nila
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Ayon pa kay Jennica, dumating man ang panahon na magkaroon pa ng ibang pamilya si Alwyn, hindi niya pa rin ipagdadamot ang mga anak nila sa kanya.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

I hope people won't look at it as a surprise that Alwyn and I are together in one place with our children especially when it wasn't an intimate gathering with just the four of us there since we are excerting all efforts to make the situation less painful for my children than it already is. Alwyn joining our trip to Tanay is not the first and definitely not the last since his presence is welcome in my children's life forever. Magka pamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Read also

Kier Legaspi, naglabas ng saloobin hinggil sa pambabatikos sa kanya

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel