Crisha Uy, ibinahagi ang isang TikTok video kung saan kasama niya si JM de Guzman

Crisha Uy, ibinahagi ang isang TikTok video kung saan kasama niya si JM de Guzman

- Marami ang naintriga sa TikTok video na ibinahagi ng vlogger na si Crisha Uy

- Makikita kasi sa kanyang video ang Kapamilya actor na si JM de Guzman

- Naging palaisipan tuloy sa mga netizens kung may namumuong pagtitinginan sa dalawa na parehas naman single sa kasalukuyan

- Si Crisha ang ex-girlfriend ng aktor na si Joem Bascon na ngayon ay karelasyon ni Meryll Soriano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa ibinahaging TikTok video ni Crisha Uy kung saan kasama niya ang Kapamilya actor na si JM de Guzman. Makikita sa video na tila may tinitingnan ang aktor habang kinukuhanan siya ng video ni Crisha.

Crisha Uy, ibinahagi ang isang TikTok video kung saan kasama nya si JM de Guzman
Photo from Crisha Uy (@crishauy)
Source: UGC

Tinanong din siya ni Crisha kung miss niya daw ba sya. Kasabay nito ay natawa ang vlogger. Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang tila paglapit ng mukha ni JM kay Crisha sa dulong bahagi ng video.

Read also

Lea Salonga, muling nakasamang magtanghal ang 15-anyos na anak na si Nicole

Gayunpaman, agad din itong naputol kaya marami ang napaisip kung hinalikan ba niya ito.

Nauna na ring nakasama ni Crisha si JM sa kanyang vlog.

Narito ang komento ng ilang netizens:

Bakit may kilig kahit first time ko sila nakitang magkasama. Napaka natural, walang halong kemikal
Luh! nakapa unexpected naman nito for me lng ah, ang cute nyo din together!
But I hope you’ll choose a lifetime partner, that will stay with you forever bec u deserve only the very best!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Crisha Uy ay isang modelo at YouTube Content creator. naging karelasyon siya ng aktor na si Joem Bascon sa loob ng walong taon.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang kanyang emosyonal na video noong ibinahagi niya ang hiwalayan nila ni Joem nitong taon.

Read also

Gelli De Belen, biglang napakanta si Ariel Rivera dahil sa dare ni Aiko Melendez

Ito ay matapos isapubliko ni Meryll ang tungkol sa anak nila ni Joem.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel