RR Enriquez, pinagsabihan ang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang English
- Hindi pinalampas ni RR Enriquez ang 'sarkastikong' komento ng netizen kaugnay sa kanyang paggamit ng salitang Ingles
- Sa kanyang social media post, ibinahagi ni RR ang screenshot ng komento ng isang netizen na hindi niya nagustuhan
- Nilinaw ni RR na ang paraan niya ng pagsasalita noong nasa noontime show pa siya ay sadya niya para magpatawa
- Gayunpaman, aniya malaki ang naitulong nito sa kanya at handa umano siyang gawin uli iyon kung iyon ang ikakayaman niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi pinalampas ni RR Enriquez ang komento ng isang netizen matapos niyang mag-iwan ng kanyang sariling komento na sa salitang Ingles. Sa kanyang Instagram post ay pinagsabihan niya ang netizen na minura pa siya.
Naniniwala umano si RR na sarkastiko ang komento dahil minura pa siya nito.
Ayon pa sa dating TV host, sinadya niya ang paraan ng kanyang pagsasalita noon na inilarawan niya bilang "T*nga-t*ngahan English.
Aniya, paraan niya iyon upang makapagpatawa lamang. Dagdag pa niya, ang kanyang naging trabaho noon sa entertainment industry ay malaki ang naitulong sa kanya at kung iyon daw ay ikayayaman niya, hindi siya magdadalawang-isip na gawin iyon uli.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si RR Enriqez ay dating Kapamilya artist sa loob ng walong taon. Naging bahagi siya ng iba't-ibang palabas sa ABS-CBN kagaya ng Wowowee at Banana Split hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.
Kasalukuyan siyang karelasyon ng basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapaundar na rin sila ng kanilang bahay.
Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi ng kanyang pakikisimpatya si RR sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh