Bea Alonzo, inaming nilasing ang ina noon para mahanap sana ang kanyang ama

Bea Alonzo, inaming nilasing ang ina noon para mahanap sana ang kanyang ama

- Ikinuwento ni Bea Alonza na minsan niyang tinangka na hanapin ang kanyang British na ama

- Inamin niyang nilasing niya ang kanyang ina na hindi talaga umiinom para makakuha ng detalye tungkol sa kanyang ama

- Nagkaroon umano siya ng ideya mula sa kaibigang si Angelica Panganiban na noo'y nahanap na ang ama

- Subalit dala ng reaksyon ng kanyang ina, hindi na naituloy pa ni Bea ang paghahanap sa ama upang makilala sana ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa karagdagang interview ni Jessica Soho kay Bea Alonzo, naikwento ng pinakabagong Kapuso actress ang tungkol sa paghahanap sana niya sa kanyang ama.

Nalaman ng KAMI na nakuha pang lasingin ni Bea ang kanyang ina para lang makakuha ng detalye tungkol sa kanyang ama.

Ayon kay Bea, nakuha niya ang ideya ng paghahanap sa kanyang British na ama sa matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban.

Read also

Masipag na bulag na nangunguha pa rin ng nipa bilang hanapbuhay, nabigyan ng tulong

Bea Alonzo, inaming nilasing ang ina noon para mahanap sana ang kanyang ama
Photo: Bea Alonzo kasama ang kanyang Mama Mary Anne (@beaalonzo)
Source: Instagram

Taong 2009, nakilala na umano ni Angelica ang kanyang ama. Naikwento niya ito kay Bea at tila nakaramdam daw ito ng pagnanais na makilala na rin ang kanyang tatay.

"Kaya noong Christmas ng 2009, nilasaing ko 'yung nanay ko kasi hindi po umiinom 'yung nanay ko pero nilasing ko po siya para magsabi siya sa'kin ng mga detalye na kailangan ko para mahanap ko ang tatay ko"

Subalit hindi siya naging matagumpay sa kanyang binabalak lalo na nang makita ang naging reaksyon ng kanyang ina.

"Kaya lang,'yung reaksyon na ibinigay niya sa akin, that was my deciding factor na 'wag na lang."

Ayon pa kay Bea, kumpleto na umano ang kanyang buhay at isang mapait na nakaraan na raw ito para sa kanyang ina.

"Para sa akin, nabuo naman ang pagkatao ko ng wala akong ama. So growing up, hindi ko na -feel na mayroong pagkukulang"

Narito ang kabuuan ng karagdagang interview kay Bea ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho':

Read also

Guro na isinilang at lumaki sa loob ng piitan, inspirasyon ang dala dahil sa dinanas sa buhay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay isa sa mga mahuhusay at matagumpay na aktres sa Pilipinas. Mas lalong umusbong ang kanyang career dahil sa mga pelikulang pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Kamakailan, marami itong naisiwalat sa naging interview sa kanya ni Jessica Soho. Isa na rito ang hayagan niyang pagsasabi na hindi pa umano siya handang magpatawad sa taong nakasakit sa kanya.

Nabanggit din niya ang ilang mga espekulasyon ng publiko sa kanyang paglipat sa GMA. Nilinaw niyang maayos ang kanyang naging paglipat at wala umano siyang inapakang tao dahil dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel