Masipag na bulag na nangunguha pa rin ng nipa bilang hanapbuhay, nabigyan ng tulong

Masipag na bulag na nangunguha pa rin ng nipa bilang hanapbuhay, nabigyan ng tulong

- Natulungan ang isang ama na bagama't walang paningin ay patuloy pa rin na naghahanapbuhay

- Nangunguha ng nipa ang ama na siya niyang ibinubuhay sa apat na mga anak

- Sumama pa talaga ang vlogger sa hanapbuhay ng bulag kung saan nakita nito ang hirap na dinaranas nito sa pangunguha ng nipa sa malaking bahagi ng ilog

- Sa tulong ng programang Virgelyncares, nabiyayaan ng sako-sakong bigas at pagkain ang pamilya ng masipag na ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang naitampok na bulag na ama sa programang Virgelyncares.

Nalaman ng KAMI na dala umano sa matinding init buhat nang magtrabaho bilang welder, unti-unti nang nawala ang paningin ng ama na may apat na binubuhay na mga anak.

Pangunguha ang nipa ang ikinabubuhay nila. Labis itong mahirap para sa kanya lalo na at binabaybay pa niya ang malaking bahagi ng ilog, makakuha lamang ng mga nipa.

Read also

Guro na isinilang at lumaki sa loob ng piitan, inspirasyon ang dala dahil sa dinanas sa buhay

Bulag na nangunguha pa rin ng nipa bilang hanapbuhay, nabigyan ng tulong
Photo from Virgelyncares 2.0
Source: Facebook

Sumama ang vlogger na si Virgelyn sa paghahanapbuhay ng bulag at doon niya nasaksihan ang panganib na nakaamba rito gayundin sa anak na kanyang kasa-kasama.

Ang bata umano ang nagsisilbing mga mata ng kanyang ama at nagtuturo ng direksyon sa kanya.

Pagdating sa kuhaan ng nipa, halos hanggang leeg muna ang tubig bago ito makaahon, ang makakuha ng ilan na sasapat lamang na ibenta sa araw na iyon.

At dahil nasaksihan mismo ng vlogger ang hirap ng ama, hinandugan niya ito ng limang sakong bigas at mga pagkain.

Labis naman ang pasasalamat ng ama dahil sa umaapaw na tulong na natanggap. Masaya rin ang kanyang puso dahil masisiguro niyang hindi magugutom ang kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Sinusuportahan din siya ng mga OFW na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.

Read also

Mag-asawang binihisan at pinakain ang isang lalaking palaboy, hinangaan ng marami

Isa rin sa natulungan ni Virgelyn ang 18-anyos na si Clara Matos na nakapagpagawa na ng bahay para sa kanilang mag-ama mula lamang sa kanyang pagtitinda at online selling.

At dahil umabot sa 1.6 million ang views ng video ni Virgelyncares tungkol kay Clara, niregaluhan pa niya ito ng motorsiklo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica