Zsa Zsa Padilla, inaalala si Dolphy sa 9th death anniversary nito

Zsa Zsa Padilla, inaalala si Dolphy sa 9th death anniversary nito

- Binisita ni Zsa Zsa Padilla ang puntod ng kanyang dating partner na si Dolphy

- Ika-9 na death anniversary na ng 'Comedy King' ng Pilipinas na pumanaw noong Hulyo 10 ng 2012 sa edad na 83

- Hiling ni Zsa Zsa ang dasal para sa dating kasama sa buhay

- Taong 2012 nang bawian ng buhay si Dolphy sa edad nitong 83 dahil sa multiple organ failure

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalala pa rin ni 'Divine Diva' Zsa Zsa Padilla ang dating partner na si 'Dolphy' sa ika-siyam na taon na pagkamatay nito.

Nalaman ng KAMI na dinalaw ni Zsa Zsa ang puntod sa mismong araw ng death anniversary nito ngayong Hulyo 10.

Sa Instagram post ni Zsa Zsa, ipinakita niya ang handog na mga naglalakihang bulaklak para sa yumaong mahal sa buhay.

Read also

Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur

Zsa Zsa Padilla, inaalala si Dolphy sa 9th death anniversary nito
Photo: Si Zsa Zsa Padilla sa pagbisita niya sa puntod ni Dolphy (@zsazsapadilla)
Source: Instagram

"Today is Dolphy’s 9th death anniversary. Please say a little prayer for him," ang hiling ni Zsa Zsa para kay Dolphy.

Maging ang mga netizens at mga kaibigan na nagkomento sa post ni Zsa Zsa ay nagsabing magpasa-hanggang ngayon ay inaalala pa rin nila ang legasiya na iniwan ng nag-iisang 'Comedy King' ng Pilipinas.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Always remembered... Included in my prayers"
"Whenever we visit our dearly departed sa Heritage, nag-ooffer din kami ng prayers for Dolphy"
"You are always remembered sir Dolphy, kahit po mga lumang pelikula mo, nagpapasaya pa rin sa amin"
"Forever in our hearts po, si sir Dolphy. May he rest in peace"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zsa Zsa Padilla ay isang Filipina actress at singer na binansagan bilang "Divine Diva." Siya ang ina ni Karylle na isa ring mahusay na singer at host sa 'It's Showtime.' Mahigit 20 na taon din niyang nakarelasyon si Dolphy hanggang sa pagpanaw nito noong 2012 dahil sa multiple organ failure.

Read also

Ronnie Alonte, pinasalamatan si Kris Aquino sa binigay nitong arcade machine

Kamakailan, agaw-eksena ang post ni Zsa Zsa sa kanyang social media dahil sa paa ang ginamit niya sa pagkuha ng larawan.

Samantala, ginulat naman niya ang anak na si Karylle sa bago niyang hairstyle gayundin ang mga netizens na napa-wow din sa bagong aura ni 'Divine Diva.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel