Jessica Soho, napasabak ng pag-acting sa interview niya kay Bea Alonzo

Jessica Soho, napasabak ng pag-acting sa interview niya kay Bea Alonzo

- Napasabak sa pag-arte si Jessica Soho nang ma-interview niya ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo

- Ginawa ni Jessica ang ilang mga popular na linya ni Bea sa mga sumikat niyang pelikula

- Game na game naman ang batikang broadcast journalist bilang ito ang unang pagkakataong makapanayam niya ang aktres

- Kamakailan ay sinabi ni Bea na pangarap niya talang ma-interview ni Jessica Soho na naisakatuparan na niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang napasabak ng aktingan si Jessica Soho nang makapanayam niya ang pinakabagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Jessica Soho, napasabak ng pag-acting sa interview niya kay Bea Alonzo
Jessica Soho, napasabak ng pag-acting sa interview niya kay Bea Alonzo
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa farm ni Bea na 'Beati Firma' isinagawa ang 'dream come true' niyang interview kasama si Jessica Soho.

At isa sa mga bahagi ng panayam ang makulit na pagsasagawa ni Jessica ng mga popular na linya ni Bea sa pelikula.

Read also

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

Game na game naman si Jessica sa pag-internalize ng linya noon ni Bea mula sa pelikulang "Four sisters and a wedding" at "One More Chance."

Nagbiro pa nga umano ito na nagpa-mentor pa siya kay Bea na kilala sa pagiging mahusay na aktres na gumanap na sa iba't ibang klaseng mga roles.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Katunayan, isa sa umantig sa puso ng marami ang ibinahagi nitong kwento ng mga guro na buwis-buhay na tumatawid sa rumaragasang tubig sa ilog makapaghatid lamang ng learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica