Niña Jose, pinakita ang video ng asawa upang pasinungalingan ang mga fake news

Niña Jose, pinakita ang video ng asawa upang pasinungalingan ang mga fake news

- Naglabas ng pahayag si Niña Jose matapos lumabas ang ilang malisyosong haka-haka kaugnay sa kalusugan ng kanyang asawa

- Ibinahagi niya ang video ng asawa na nag-eehersisyo sa treadmill habang siya ay nagsasalita

- Aniya, dahil papalapit na ang araw ng halalan, may ilang mga taong nagpapakalat ng balita tungkol sa asawa niya

- Sinabihan din niya ang mga nagpapakalat ng malisyosong balita na tigilan na ang kanyang asawa na laging handa upang maglingkod sa kanyang nasasakupan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Niña Jose ang mga malisyosong balitang kinakalat ng ilang tao na may intensiyon na siraan ang kanyang asawa. Isang video ang kanyang ibinahagi.

Niña Jose, pinakita ang video ng asawa upang pasinungalingan ang mga fake news
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Aniya, dahil palapit na ng palapit ang election, ilang mga tao ang nagsisimula nang magpakalat ng fake news tungkol sa kanyang asawa. Nilinaw niyang malakas at malusog ang kanyang mister.

Read also

Rebel Wilson ng pelikulang Pitch Perfect, usap-usapan dahil sa kanyang transformation

PLS STOP SPREADING FALSE INFORMATION ABOUT HIM AND STOP MISLEADING THE PEOPLE. No one deserves this kind of treatment and it makes me sick that people can be this evil just for greed and power.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May binanggit din na pangalan si Niña na aniya ay fake account na nagkakalat ng fake news sa Bayambang. Hiniling din niya ang tulong ng kanilang nasasakupan kung sino ang may alam tungkol sa taong nagtatago sa fake account na ito.

To the people doing this, YOU SHOULD BE ASHAMED OF YOURSELVES. My husband has done nothing but serve and love the town and he does not deserve to be treated like this. Pls help us report the FAKE ACCOUNT of Cristian Dela Cruz that spreads FAKE NEWS all over Bayambang. And if anyone has any information about the person or people doing this, please do not hesitate to tell us!!!

Read also

Devon, nagbahagi ng "palabang" picture kasunod ng kontrobersiyal na jowa reveal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Michelle Madrigal at asawang si Troy Woolfolk, kinumpirmang hiwalay na sila

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate