'Cashless' na pangongotong ng isang traffic enforcer Sa Maynila, sapul sa video

'Cashless' na pangongotong ng isang traffic enforcer Sa Maynila, sapul sa video

- Nakunan ng video ng hinuling driver ang cashless na pangongotong umano ng isang traffic enforcer

- Patong-patong ang voiolation na ipinataw sa driver hanggang sa nag-alok na ito ng Php5,000 na ibayad na lang umano sa kanya

- Nagkatawaran pa sa halagang Php2,000 subalit walang dalang pera ang driver na pinatawag pa sa amo para maipadala sa online cash app ang pera

- Dahil sa nag-viral ang video, nakarating ito sa Manila Traffic and Parking Bureau na agad na kinastigo ang enforcer at nasibak din ito sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang 'cashless' na pangongotong ng isang traffic enforcer sa Tondo, Manila na nanita ng driver ng isang truck.

Sa video na ibinahagi ng driver na si Proceso Esteban Gonzales, makikita at maririnig na natanggap na umano ng enforcer ang pera na pinadala sa kanya sa isang online cash app.

Read also

Raffy Tulfo at Mayor Vico Sotto, nagtulungang madakip ang mga 'scammer' sa Pasig

Ayon sa GMA News, patong-patong na violation ang pinataw kay Gonzales kasama na rito ang swerving.

'Cashless' na pangongotong ng isang traffic enforcer, sapul sa video
Photo: Traffic Enforcer (Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Maya-maya pa'y nag-alok na umano ang enforcer ng perang ibabayad na lamang umano sa kanya para makalusot daw ang mga hinuli.

"Tapos nag-offer na sila ng pera, ganito na lang mag-ano ka nalang ng Php5,000," pahayag ni Gonzales patungkol sa unang halaga na hiningi ng enforcer.

Nagkatawaran pa umano sila na umabot ng Php2,000. Ngunit dahil walang dalang pera ang driver, pinatawag pa siya ng enforcer sa kanyang amo na siyang nagpadala rito ng pera sa online cash app.

At dahil sa nag-viral ang 'level-up' na pangongotong, agad na nakarating ito sa Manila Traffic and Parking Bureau.

June 28 naganap ang insidente, sibak agad sa puwesto ang traffic enforcer na si Oliver Fernandez, kinabukasan, June 29.

Inamin umano nito ang pangongotong at noon pa man ay under surveillance na si Fernandez dahil sa gawain nitong pangongotong.

Read also

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng pangongotong na nagawa ng traffic enforcer na ito. mayroon namang mga enforcer na hinangaan sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin.

Matatandaang nitong Mayo, naiulat ng KAMI ang isang babaeng sinita ng traffic enforcer dahil 'beating the red light' ito.

Nanlaban ang babae na nagawang saktan ang enforcer at nakunan pa ng video. Sa kabila ng pauli-ulit na pananakit ng enforcer, hindi nagawang manlaban ng enforcer kahit nagtamo na siya ng ilang sugat sa mukha.

Maging si Mayor Isko Moreno ay humanga sa ipinakitang 'maximum tolerance ng enforcer na nakilalang si Marcos Anzures.

Nakasuhan din ang babaeng nakilala na si Pauline Mae Altamirano na nabisto pa ang ilang paglabag sa batas na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica