Bulkang Taal, nakataas na sa alert level 3; malalapit sa bulkan, pinalilikas na
- Itinaas na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal matapos ang 'phreatomagmatic eruption' na naganap ngayong Hulyo 1
- Dahil dito, agad na naglabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaugnay sa aktibidad ng bulkan
- Kanilang inirekomenda ang paglikas ng mga malalapit sa bulkan tulad ng mga nasa barangay Agoncillo at Laurel sa Batangas
- Kung magpatuloy ang aktibidad ng bulkan, maari nila itong itaas pa sa alert level 4
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ang video ng tinatawag na 'phreatomagmatic eruption' ng Bulkang Taal, agad na nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dahil sa nakitang bahagyang pagbuga ng bulkan na nakita sa video, itinaas ng Phivolcs sa Alert level 3 ang Taal Volcano.
Kinumpirma rin nila na naganap mismo ito ngayong Huwebes, Hulyo 1, bandang 3:16 ng hapon.
"This means that there is magmatic intrusion at the main crater that may further drive succeeding eruptions," paliwanag ng Phivolcs patungkol sa naganap na 'phreatomagmatic eruption'
Dahil dito, pinaghahanda nang lumikas ang mga nasa high-risk areas na malapit umano sa bulkan tulad mga taga barangay Agoncillo at Laurel sa Batangas.
Ito umano ay dahil sa possible hazards ng pyroclastic density currents at maging ang volcanic tsunami na maaring maging epekto ng naganap na aktibidad ng bulkan.
Samantala, nilinaw din ng Phivolcs na sakaling magtuloy-tuloy ang nagaganap sa Taal, maari pa nilang itaas ito sa alert level 4. At kung matigil naman, bababa ito sa alert level 2.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng Philvolcs:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Taal Volcano ay isa sa mga kilalang bulkan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Batangas ang itinuturing na isa sa mga popular na tourist spots sa bansa lalo na at matatanaw na rin ito sa Tagaytay.
Matatandaang kasabay ng paglaganap umano ng COVID-19 sa Pilipinas noong 2020 ay naitala rin ang pagsabog ng Taal kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan.
Dahil sa masasabing permanent danger zone pa rin ang paligid ng Taal, naaresto pa ang pamilyang mga turista na nagtangkang mamasyal malapit sa bulkan at kinunan pa umano nila ito ng video na naging sanhi ng pagkakadakip sa kanila.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh