Video ng guro na parang 'rapper' kung magbasa ng grades, kinagiliwan ng netizens

Video ng guro na parang 'rapper' kung magbasa ng grades, kinagiliwan ng netizens

- Kinagiliwan ng mga netizens ang video ng isang guro tungkol sa 'reading of forms'

- Mabilis na parang nagra-rap kasi nitong binabasa ang mga grado mula sa hawak na report card

- Isinasagawa ito sa tinatawag ng 'cross-checking of forms' ng mga guro upang matiyak na pare-pareho at tama ang nilalaman ng forms ng bawat mag-aaral

- Sa bilis ng pagsasalita, tila nagiging si 'Gloc 9' na ang mga guro tuwing magbabasa ng grades sa school forms

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng guro na si Richmond Dulay Gabudao tungkol umano sa 'reading of forms' ng mga mag-aaral.

Sa video, na orihinal niyang ibinahagi sa TikTok, makikita ang guro na tila nagra-rap na sa bilis ng pagsasalita nito habang binabasa ang grado mula sa report card.

Halos magkandaduling na ito sa dami at bilis ng kanyang binabasa.

Read also

Video ng marriage proposal sa isang crew ng Jollibee, nagpakilig sa mga netizen

Video ng guro na mala-Gloc 9 kung magbasa ng grades, kinagiliwan ng netizens
Photo from Richmond Dulay Gabudao
Source: Facebook

"Gloc-9ners ang teachers!" ang bahagi ng caption ng nakakatuwang video.

Ang "reading of forms" na ipinakita ni Teacher Richmond ay isinasagawa sa tuwing matatapos na ang panuruang taon o school year.

Ito ay upang matiyak na maayos, pare-pareho at tama ang laman ng mga permanent school records ng bawat mag-aaral.

"Cross-checking" kung kanila itong tawagin dahil hindi lamang report card ang nilalagyan ng mga importanteng datos ng mag-aaral.

At para mapabilis ang kanilang gawain, halos 'mag-rap' na nga ang mga guro sa pagbabasa ng grades at detalye sa mga school forms ng bawat mag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, naging usap-usapan din ang mga gurong naitampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho dahil sa buwis-buhay nitong pagtawid sa rumaragasang ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Read also

Delivery riders, ibinida ang 'Rider's lounge' sa loob ng isang mall sa Las Piñas

Sa Hulyo 10, inaasahang magtatapos na ang panuruang taon 2020-2021 ng mga nasa pampublikong paaralan.

Inaasahang sa susunod na school year, mananatili pa rin na online, blended at modular learning ang magiging sistema ng pag-aaral ng mga estusdyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica