Delivery riders, ibinida ang 'Rider's lounge' sa loob ng isang mall sa Las Piñas

Delivery riders, ibinida ang 'Rider's lounge' sa loob ng isang mall sa Las Piñas

- Ibinahagi ng isang delivery rider ang 'Rider's lounge' sa loob mismo ng SM Southmall sa Las Piñas

- Laking pasalamat nila na naisip ito ng management ng mall dahil komportable silang nakapag-iintay

- Taliwas sa ibang naranasan umano nila na hindi sila pinatatambay umano sa loob ng malls at pinaghihintay na lamang sa labas

- Ang iba, nakararanas pa umano na pagdamutan ng tubig ng ilang mga Food establishments

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng nagpakilalang Food Panda delivery na si Rhanil Carlo Yabut at ibinida ang 'Rider's Lounge' ng SM Southmall sa Las Piñas.

Nalaman ng KAMI na labis ang pasasalamat ni Rhanil dahil komportable na silang nakapag-iintay sa loob ng mall.

"Hi SM Southmall! Thank you so much sa sobrang Pagwelcome saming mga Rider, Sobrang Love mo kami."
Delivery riders, ibinida ang 'Rider's lounge' sa loob ng isang mall sa Las Piñas
Photo: SM Southmall
Source: Facebook

Una na raw kasing ipinatupad ng naturang management ng mall ang libre parking sa kanilang mga delivery riders na tulad nila.

Read also

Batang ‘Army’, ginawan ng BTS waiting area ng McDo dahil di siya pwedeng pumasok

At ngayon, libre naman at komportable ang pananatili nila sa Rider's lounge para sa kanila.

Taliwas daw ito sa nararanasan ng ilang riders na hindi basta pinatatambay sa loob ng mall habang naghihintay ng ide-deliver na order.

"Pero kayo ambait niyo sa mga Riders SM Southmall Management. Salamat po"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nag-viral din ang pasasalamat ng isang food delivery rider matapos na mabigyan siya ng tulong pinansyal ng mga BTS Army na nakalikom ng Php45,000 para sa kanya.

Natuwa raw umano ang mga BTS fans sa kanya matapos na magpost siya tungkol sa masayang pagpapadeliver ng mga ito ng BTS meal na inilunsad sa bansa kamakailan.

Habang ang ilang delivery riders ay nagagawang pahalagahan ng iba, mayroon din namang nakararanas na pagdamutan umano ng maiinom na tubig mula sa ilang food establishments.

Read also

Delivery rider na masayang naghatid ng mga 'BTS meal', natulungan ng mga BTS fans

Ang ilan, mayroon pang karatula na "Not for Food Panda riders" ang inuming tubig na naging kontrobersyal kamakailan at kinondena ng marami.

Gayunpaman, pamarisan na lamang sana ng marami ang kabutihang naisipang gawin ng SM Southmall management para sa mga delivery riders na malaki ang naitutulong sa atin upang makapag-ingat tayo ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica